Alessandra ayaw makisali sa mga rally para sa ABS: Birthday nga, ‘di ako uma-attend, rally pa?





May magandang paliwanag ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi kung bakit hindi siya sumasama sa mga rally or protesta para sa ABS CBN.

Sumagot si Alessandra matapos siyang tanungin ng isang netizen kung bakit puro panalangin lang ang kanyang mga post sa Twitter imbes na sumali sa mga rally.



“Bakit ikaw Alessandra, puro ka lang panalangin sa Twitter hindi ka naman sumasali sa rally para lumaban para sa mga Pilipino?” ayon sa isang Twitter user

Sagot naman naman ng aktres: “May COVID. Maawa ka. At saka hindi ako okay (mentally) ‘pag madaming tao. Birthday nga, ‘di ako umaattend, rally pa?”

“Ako pa ba? Kaya nga madami nag-iisip na maldita ako dahil ‘pag tama ako, ‘di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali.

“Pero ‘yung COVID ay wala akong X-ray vision para dyan. ‘Yung totoo, takot ako dyan. Wala akong planong makausap sya ng personal at wala akong planong matalo dyan,”



May nagsabi din na duwag lang daw siyang magpakita nang personal sa ABS CBN rally.

“I pray you look beyond your personal opinions na ‘di porket mas matapang ang isa ay takot na ang isa. Baka iba ang kinatatakutan niya.

“Ako sure na, COVID first, tapusin ko lang ‘to at baka ito ang tumapos sa akin,” ang sagot naman ni Alex.

Aniya, iba-iba ng kinalakihan ang bawat isa at tiyak ding siya’s mapapagalitan ng kanyang ina.



“Feeling ko kung nasa ‘Pinas ang nanay ko babatukan ako nun kung lumabas ako. Iba-iba tayo ng kinalakihan, iba-iba tayo ng laban.

“Walang mali sa umattend ng rally dahil may gusto sila ilaban. Walang mali sa gusto palipasin muna to be sure. Isa lang kalaban ngayon at hindi ako ‘yun.” aniya

Giit pa ng aktres, ang kanyang unang layunin sa ngayon ay malampasan ang pandemyang ito nang buhay.

“Wala akong pagsisisihan if my only goal is to stay alive and do only what I can. Dahil ‘di ko pa tapos bayaran insurance ko para may makuha @ermatsko pag nadeadz ako.

“Wala naman akong savings, ni pang ospital wala. Ang importante ngayon… mabuhay tayo. So, Twitter na lang.” ani Alex







Post a Comment

0 Comments