Real talk! Hontiveros ngayong may 30,000 COVID-19 cases na ang Pinas: 'Kung may maayos na measures, susunod ang mga tao'

 

Photo courtesy of Inquirer

Sa kanyang social media post ay naglabas ng hinaing si Senadora Risa Hontiveros sa pagtaas ng bilang na ngayon ay lumampas na sa 30,000 ang kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Sa artikulo ng KAMI, ibinahagi ng senadoara ang kanyang “real talk” ngayong patuloy ang pagdami ng kaso ng mga nagpopositibo sa bansa.

Sa Facebook post ni Hontiveros, aniya ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay hindi dahil sa pasaway ang mga Pinoy ngayong may community quarantine.

“REAL TALK: Hindi ito dahil pasaway ang mga Pinoy,” aniya.

Iginiit pa ng senadora na kung may maayos na patakaran ang gobyerno ay susunod naman ang mga Pinoy dito.

“Kung may maayos na measures, susunod sila,” ani Hontiveros.

Pinaliwanag ni Hontiveros, na ang paninisi ng gobyerno sa mga pasaway na Pinoy ay isang paraan upang ilihis ang pangangailangan para sugpuin ang coronavirus.

“Realtalk: hindi ito dahil pasaway ang mga Pinoy. Given the proper safeguards and correct measures, Filipinos will cooperate for our health and safety,” sabi niya.

"Blaming Filipinos for the surge in cases distracts from the need to better our approach towards the pandemic. COVID-19 is first and foremost a health problem,” dagdag niya pa.

Sa naunang artikulo ng KAMI noong Sabado ay halos 1,000 ang naitalang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), may naitalang 30,052 kumpirmadong kaso ngayon ng COVID-19 sa buong Pilipinas. Ang 20,990 ay active cases pa rin sa ngayon at nasa 7,893 na ang gumaling sa sakit na ito.

Si Risa Hontiveros ay kilala bilang Senador na galing sa oposisyon. Siya ang nakakatanda na kapatid ng journalist at TV host na si Ginggay at Pia Hontiveros.

Hontiveros nitong Lunes, nang isulong niya ang pinalakas na health measures upang solusyunan ang pandemya.

 


Post a Comment

0 Comments