Panelo may mensahe kay Lea: 'Hindi ka magandang ehemplo, cool ka lang'

Photos courtesy of Pep and ABS-CBN


Pinayuhan ng Malakanyang ang primyadong singer-actress na si Lea Salonga matapos ang viral post nito ng pagmumura sa Pilipinas.

Pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na kung mayroon man itong sama ng loob laban sa ating bansa ay huwag nang isapubliko dahil marami ang magiging interpretasyon dito ng publiko lalo na ang mga netizens.

Ayon pa kay Panelo, hindi magandang ehemplo na ang isang celebrity na hinahangaan ng maraming Pilipino ay hindi iginagalang ang bansa kung saan ito ipnanganak at kung saan ito naghahanapbuhay.

“Ang advise natin kay miss Lea, cool ka lang. Kung ano man ang sama ng loob mo, huwag mong isapubliko lalo kung laban sa sarili mong bansa kung saan ka ipinanganak, kung saan ka kumikita, kung saan ka kinikilala, hindi magandang ganyan,”ayon kay Panelo.

Sa kabila ng pag-amin at pagbibigay katuwiran ni Salonga hinggil sa nasabing post ay sinabi naman ni Sec. Panelo na palusot na lamang ito ng singer dahil sa mga negatibong komento sa kanya ng mga netizenz at nag-trending pa sa social media.

Sa kabilang banda, wala namang kasong maisasampa laban sa international singer sa ilalim ng batas kaugnay sa ginawang pagmumura nito sa Pilipinas.

Bagaman may negatibong epekto na ito laban sa singer dahil sa ginawang pambabastos nito sa sariling bansa.

“Parang di srespect yun sa bansa mo. Walang specific na kaso,” diing pahayag ni Sec. Panelo.

Matatandaang, napuno ng pambabatikos ang facebook post ni Salonga na “Dear Pilipinas, p*****i**, ang hirap mong mahalin” agad naman itong nagpaliwang sa kanyang post sa social media.

"Hi, gang. It seems a recent Facebook post of mine has gotten quite a bit of attention and launched all sorts of... I don’t even know what word to use, so I thought to use this platform and this space to offer some clarification in the hope that I’m more clearly understood." paliwanag ni Lea sa kanyang Twitter post.

"Regarding the post itself, yes I stand by every single word I wrote as an expression of my frustration with certain events currently taking place in our country. However, contrary to what some of you might believe, I never, NOT EVER, cursed the Philippines," ani Salonga.

"To serve her is one of my greatest honors. To be able to hold my head up high and say, 'Yes, I am Filipino' representing the hundreds of millions of brethren both here at home and all over the world is a source of pride and pleasure." dagdag pa ng hurado ng theVoice.

Humingi ng paumanhin ang international celebrity sa mga na-offend ng kanyang post at kanya namang nauunawaan ang mga taong hindi nakakaunawa sa kabila ng kanyang paumanhin.

"I totally understand and get that you’re doing it as one tasked to protect our country from anyone that dares to desecrate it. Know though that that was not my intent." dagdag ni Lea.

Nagpasalamt naman ito sa kanyang mga fans at nagpapasalamat siya sa mga suportang patuloy na ibinibigay sa kanya.

Post a Comment

0 Comments