Manila Bishop Pabillo may agam-agam sa anti-terr0r bill: 'nakakatakot yung bill na ‘yan'

CBCP News file photo



Nanawagan si Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang kontrobersyal na anti-terror bill.

Ayon kay Pabillo, tila minadali umano ang pag kakapasa ng  naturang panukala sa Kongreso.

“I-veto niya yung bill o kaya baguhin yung ibang mga provisions o i-veto niya muna kasi nakita natin minadali na mapasa bago dumating ang June 5 at ipinasa one day before,” ayon kay Pabillo.

Dagdag pa ng obispo, may mga probisyon sa bill na masyadong malawak ang saklaw na possibleng magamit sa pang aabuso.

“Ako po ay nati-terrorize sa anti-terror bill, nakakatakot yung bill na ‘yan dahil po sa maraming mga provisions niya ang vague kunwari ano ba yung terrorism, ano ba yung dahilan na pwedeng i-apprehend ang mga tao so very vague so madaling pwede i-abuse ng mga awtoridad,” ayon kay Pabillo

Naunang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ang anti-terr0r bill ay "good as passed" na.
"It's as good as passed. It will just need my signature if it comes back to us after ratification then I will transmit to the President,"  ani Sotto

Binigyang diin din ni Sotto na hindi saklaw ng panukala ang mga kilos protesta laban sa gobyerno. 

“Terr0rists lang at terr0rist organization members ang tatamaan nito (will be affected). Huwag silang maniwala sa false propaganda (They should not fall for false propaganda),” 

Tanging pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maging ganap na batas ang anti-terr0rism bill, na una nang ginawang ‘urgent bill’ ng Pangulo.

Samantala, may mga grupo, maging ilang mga celebrities at personalities din ang nag salita laban sa kontrobersyal na panukala na ito.


Post a Comment

0 Comments