Photo file mula sa ABS CBN News |
Hindi na
makapag hintay si dating senador Antonio Trillanes sa araw kung saan wala na sa
pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang
pinakabagong post ni Trillanes sa Twitter, tiwala umano siyang makakabawi ang Pilipinas
mula sa mga pagsubok, kasama na ang COVID-19 pandemic kapag wala na sa opisina
ang pangulo.
“Kapit
lang. Aahon din muli ang Pilipinas pag wala na si duterte,” ayon sa dating
senador na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte
Kamakailan
lang ay sinisi ni Trillanes si Duterte sa nararansang problema ngayon sa bansa,
mula sa katiwalian at kawalang-kahusayan sa gobyerno hanggang sa nakababahala
na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus.
Hinimok
niya ang mga tao na huwag hayaang makatakas ang pangulo sa pananagutan sa mga
problemang ito.
“Sabi ni
duterte wag daw magsisihan. Well, we refuse to let him get away with it. Kaya
ikalat ntin ito,” ani Trillanes
"Si
duterte ang may kasalanan kung bakit palpak at corrupt ang gobyerno, bagsak ang
ekonomiya, mahirap ang buhay," ayon pa dito
Sinisi din
ni Trillanes ang pangulo sa kakulangan ng transportasyon at sa patuloy umanong
pagtaas ng utang ng bansa.
“Maraming
COVID cases, walang masakyan, at lubog na sa utang ang bansa,” ani Trillanes
Sa mga
nagdaang buwan mula nang magsimula ang pandemya ng COVID-19, binabatikos na ni
Trillanes ang sinasabing "kawalan ng kakayahan" ng Pangulo sa
paghawak sa 2019 coronavirus disease.
Minungkahi
din ng dating senador na italaga si Bise Presidente Leni Robredo bilang pinuno
ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
“Kung si
Vice President Leni ang mamumuno at magpapatakbo ng IATF, mas marami itong
magagawa at siguradong mas maganda ang kampanya natin laban sa COVID-19,” aniya
0 Comments