Coco Martin pinayuhan umano ni Lapid na tumakbong senador sa 2022




Humingi umano ng payo si Coco Martin kay Senador Lito Lapid sa posibleng pagpasok niya sa politika sa taong 2022, ito ay ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo.

Hindi lang daw pag bisita ang sadya ng "Ang Probinsyano" star noong nakaraang linggo kundi para komunsulta kay Lapid na kanyang co-star sa nasabing Kapamilya program.

Ayon sa kolum ni Banayo sa Manila Standard noong June 15, binanggit niyang may plano si Coco na maging isang politiko bilang alternative career matapos ang pagpapasara sa ABS CBN.

“[A] little birdie close to the superhero of telenovelas and nemesis of Solgen Joe Calida told me that Martin (Nacianceno in real life), had already discussed his non-cinematic future, that is, politics, with his ‘pinuno’ at the time his socmed defense of his ‘kapamilya’ network was raging,” ayon kay Banayo

Nais umano ni Coco na maging mayor ngunit siya ay pinayuhan ni Lapid na tumakbo bilang senador sa susunod na halalan.

“Mas madali ang trabaho ng senador,” ayon pa raw kay Lapid

Ayon naman sa ulat na inilabas ng ABS CBN, ang pagbisita ni Coco sa senador ay bahagi ng promosyon bilang pagbabalik ng Ang Probinsyano.

Natigil ang pag-eere ang Ang Probinsyano nang isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

Nasundan pa ito ng pagsasara ng ABS-CBN noong May 5, 2020, dahil sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Simula noong June 13 ay muling nagbabalik ang ilang programa ng ABS-CBN sa ere sa pamamagitan ng Kapamilya Channel sa cable.

At kabilang sa magbabalik ay ang isa sa pinakamatagal na programa ng ABS CBN, Ang Probinsyano.

Post a Comment

0 Comments