Pangilinan dismayado sa muling pagbubukas ng POGO 'Inuna pa luho ng mga Chinese kaysa gutom na mga Pinoy?'



Photo courtesy of Remate

Kinundina ng marami ang muling pagbubukas ng POGO operation sa bansa. Kabilang na ditto ang mga netizens at ilang mga mambabatas.
Kamakailan ay inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o mas kilala sa tawag na IATF ang muling pagbubukas ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.


Dahil ditto, nadismaya si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa naging desisyon ng pamahalaan na payagang muling makapag-operate ang mga POGO sa kabila ng krisis sa pandemyang COVID-19.
Sa Twitter post ni Pangilinan, inilabas nito ang hinaing kung bakit aniya tila malakas ang mga Chinse POGO sa pamahalaan.
“Sino ba sa mga nagpapatakbo ng POGO ang napakalakas sa Gobyerno at sila ang prioridad?” pahayag ni Pangilinan.
“Uunahin pa ang ‘non essential’ na luho ng pagsusugal ng mga Chinese at trabaho ng mga manggagawang Chinese kaysa sa gutom at kawalan ng trabaho ng mga Pilipino? Ang lakas naman ng kapit ng POGO,” dagdag pa nito.


Binatikos din ni Pangilinan ang pagpayag sa mga POGO gayong hindi naman ito nagbabayad ng tamang buwis.
Samantalang ang dalawang milyong manggagawang Pilipino ay natengga sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa enhanced community quarantine.
“So bakit POGO operations na hindi naman nagbabayad ng tamang buwis ng mga negosyante at manggagawang Chinese ang minamadali na buksan ng PAGCOR at ng gobyerno?” aniya pa.
Pinayagan ang muling pagbubukas ng mga POGO dahil na rin sa rekomendasyon ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairperson Andrea Domingo.

Subalit ang mga ito ay maaring mag-operate sa ilang mga kondisyon at partially reopen lamang ang mga ito alinsunod sa rekumendasyon
Pinagtanggol naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ukol sa muling pagbubukas ng mga ito, ayon kay Roque, ang mga POGO business ay maituturing na kapareho ng BPO industry.


Post a Comment

0 Comments