Mga ‘Brgy. Kupitan’ sa Maynila di palalampasin ni Yorme: mga food packs inipit, bagong motor nakuha pang irampa!



Photo courtesy of Philippine Information Agency



Sa kabila ng babala ni Manila Mayor Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga barangay officials na huwag magsamantala sa pinamamahaging ayuda ng pamahalaan sa gitna ng krisis sa pandemyang corona virus.

Ayun kay Mayor Isko, hindi nya palalampasin ang sinumang mahuhuling mang-totolengges sa kakarampot na ayuda para sa mga mamayang nasasakupan.



Kamakailan lang ay may nakarating sa kanyang balita na may isang batang chairman sa lungsod na pinagyayabang pa ang mamahaling motorsiklo na kanyang binili sa panahon ng krisis.

Habang ang isang chairman naman ay tila ginawa nang bodega ng mga relief food packs at kaban-kabang bigas ang kanyang barangay hall.

Labis na ikinagalit ng alkalde ang ginawa ng mga nasabing barangay chairman, at nakuha pang magsamantala sa kabila ng kahirapan na kinahaharap ng bansa.

“Ito ay mga ‘alkohol’— walang patawad sa mikrobyo. Hindi kayo makakatulog nang mahimbing. Mananagot kayo sa taumbayan at sa mata ng batas. Makakasuhan kayo ng paglabag sa graft and corruption, abuse of authority at lahat ng umiiral na batas,” pahayag ni Mayor Isko.



Samantala, hinikayat ng alkalde ang mga residente ng Maynila na magsumbong sa kanyang tanggapan kung hindi sila nakatanggap ng ayuda at financial assistance, gayong nasa listahan naman ang kanilang mga pangalan.

“Dapat lahat ay magkaroon. Dito masusubukan ang halal ng bayan. ‘Wag kayo makakalimot pagdating ng araw. Magbibigay ‘yan (chairman) ng P500, isang kilo ng bigas. ‘Wag ninyo palusutin. Kung kaya nila abusuhin kayo sa oras ng kagipitan, ano pa kaya sa regular na araw?” dagdag pa ng dating aktor.

Sa kabila nito, sinabi ng alkalde na mas marami pa rin ang mga matitinong barangay chairman kesa sa mga corrupt gaya ng mga nabanggit.

“Kung matino naman ang chairman, hinihikayat ko kayong pasalamatan n’yo din sila sa effort. ‘Yung ginagawa nila chairman, kagawad, secretary, ex-o, tanod. Kayong mabubuti, ‘di ko hahayaang dungisan ang inyong posisyon dahil sa ginagawa ng ilan,” ani pa ni Mayor Isko.


Samantala, sinisimulan na umano ng tanggapan ng alkalde ang pag-iipon ng mga ebidensiya laban sa mga corupt na chairman at kaagad silang sasampahan ng kaso matapos na ang imbestigasyon.

Kaugnay nito, nagpahayag din ang Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay sya umano ng 30k na pabuya para sa mga makakapagsumbong ng mga tiwaling lokal na opisyales na kumakana ng ayudang pinansyal mula sa pamahalaan.

Post a Comment

0 Comments