Photo courtesy of Youtube and Facebook |
Nagpahayag si Pangulong Duterte na siya ay magbibigay ng pabuya sa sinomang makakapagsumbong sa mga katiwalian o ano mang korapsyon ng lokal na opisyales hinggil sa pamimigay ng SAP at iba pang ayuda ng gobyerno.
Ito ang inanunsiyo ng Prsidential Spokeperson na si Harry Roque matapos ang linnguhang public address ng Pangulo.
Dagdag pa ni Roque, magbibigay ng P30,000 na pabuya ang pangulo kapag napatunayang totoo ang report.
Kauganay ito sa nag-viral na video kamakailn, kung saan ang isang kagawad sa Hagonoy, Bulacan ang nakuhanan ng video ang kagawad na sinasabihan ang mga benepisyaryo ng SAP cash aid na P3,000 lang ang makukuha nila dahil ang P3,500 ay hahatiin at mapupunta sa mayor para ibigay naman umano sa mga hindi makakatanggap ng ayuda.
Agad inaresto ang nasabing kagawad sa utos ng pangulo upang papanagutin sa salang korapsyon. Itinanggi naman ito ng mayor ng Hagonoy, BUlacan na may kaugnayan siya sa raket ng kagawad.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Spox Harry Roque:
Inatasan po ako ng ating pangulo na ianunsiyo na sa kagustuhan po ng ating pangulo na matigil ang pangungurakot pagdating sa SAP at iba pang ayuda ng gobyerno, [kagaya sa] ginawa po ni Kagawad Danilo Flores ng Hagonoy, Bulacan.
Siya po ay magbibigay ng pabuya na P30,000 sa lahat po ng magrereport ng mga local officials na kumakana o kinukurakot ang mga ayuda para po sa mga mahihirap.
Tumawag lang po kayo sa 8888. Siyempre po kung gusto niyo ng ayuda, mag-iiwan kayo ng pangalan at telephone number at pag napatunayan po ang inyong reklamo sa korapsiyon laban sa mga lokal na opisyales na kinukurakot yung mga ayuda na pinamimigay ng gobyerno, P30,000 po ang pabuya na ibibigay ng ating presidente sa inyo.
Alinsunod po ito sa Zero Tolerance ng ating presidente laban sa korapsyon lalong lalo na po doon sa mga kumakana at kumukorakot ang ayuda para sa mga mahihirap.
Ang SAP o special amelioration program ay isa lamang sa programang inilunsad ng pamahalaan para sa mga Pinoy na lubhang naapektuhan ng enhanced community quarantine.
Ito ay ipinatupad sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act na nilagdaan ng pangulo noong March 25, 2020.
0 Comments