Tatlong miyembro ng 4Ps at 12 iba pa, arestado sa isang lamayan habang nagsusugal



Photo courtesy of Facebook@Pulisya ng San Jose


Muli na namang nahuli sa akto ang ilang miyembro ng 4Ps habang nagsusugal sa isang burol sa Nueva Ecija.

Kasama ang tatlong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa labing limang katao ang naaktuhang nagsusugal habang nakikipaglamay.


Ayon sa mga pulis, ang mga nahuli ay nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o mas kilala bilang Illegal gambling at ang dineklara ng Pangulo na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Kamakailan ay may naiulat din na naarestong tatlong mga ginang na mga miyembro din ng 4Ps sa Nueva Ecija dahil din sa pagsusugal sa isang lamayan.

Mahigpit na pakiusap ng pamahalaan na pansamantalang manatili muna ang lahat sa kani-kanilang mga tahanan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa ulat ng Pulisya ng San Jose, Nueva Ecija sa kanilang Facebook page, naaresto ang mga nagsusugal na ito sa pangunguna ng hepe ng kapulisan na si PLTCOL. Henry Bruno.


Ayon sa Philippine News Agency, kasama ang San Jose City sa mga lugar sa Nueva Ecija na naka-lockdown dahil na din sa bantang panganib ng corona virus.

Dahil sa mga sunud-sunod na di kanais-nais na balita ukol sa mga miyembro ng 4Ps, naging mainit sa mga mata ng mga kababayan natin ang ayudang natatanggap nila mula sa gobyerno.

Usap-usapan din mula sa iba nating kababayan kung dapat nga bang ipagpatuloy pa ang programang ito ng pamahalaan na ayuda para sa mga mahihirap.

Nag-anunsiyo ang ating pamahalaan sa pangunguna ng ating Pangulong Duterte na mamimigay sa Cash aid o ang tinatawag na Social Amelioration Program (SAP) para sa mga mamamayan na maapektuhan ng lockdown.


Inumpisahan ang programang ito noong Abril, sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan na rin sa mga local na pamahalaan o mga barangay.






Post a Comment

0 Comments