Photo courtesy of TNT Abante |
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga infected ng COVID-19 at sa hindi mapigilang paglabas ng mga tao sa lansangan, pinag-iisipan ngayon ng mga otoridad kung ano pa ang dapat gawin ngayong malapit na magtapos ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon sa ilang balita, posibleng magpatuloy pa o maextend ang quarantine sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila, Calabarzon at ilang lugar sa Bulacan kahit matatapos na ang pinalawig na enhanced community quarantine sa Abril 30.
Sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring magpatuloy ito, batay sa opinyon ng mga eksperto sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag pa ni Roque, hindi maitatangging may outbreak sa NCR at ilan pang lugar sa Luzon kaya ang consensus ay depende sa dami ng kaso.
"Ang opnyon ng mga dalubhasa, at mukha namang mayroon ding consensus dahil mayroon pong outbreak sa NCR, ay mukhang candidate po siya. NCR, Calabarzon and parts of Luzon,” pahayag ni Roque.
Sa kabila nito, nakadepende pa rin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya sa rekomendasyon matapos ang masusing pag-aaral na gagawin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ng iba pang mga eksperto.
Batay sa talaan ng DOH, ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
0 Comments