Screenshot photo courtesy of Youtube |
Sa kabila ng paalala ng DILG sa mga LGUs na ipinagbabawal ang pamimili ng bibigyan ng relief goods sa kanilang mga nasasakupan, nakakatanggap pa rin sila ng mga ganitong reklamo.
Gaya na lamang ang isang Baranggay chairman sa Pasay City, na sinugod ng mga opisyales ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kanyang opisina para sa isang surprise inspection.
Mayroon kasing mga rekalmo ang nakakarating sa tanggapan ng DILG na namimili umano ang kanilang Brgy. chairman kung sino ang kanilang bibigyan ng relief goods.
Ayon sa reklamo, pawang mga bontante lamang ng kanyang barangay ang binibigyan ng ayuda at hindi nadadalhan ng tulong ang mga renters at boarders sa kanyang nasasakupan.
Mabilis namang nag-viral ang video kung saan makikitang nakikipag-diskusyon ang kampo ng barangay kapitana at mga opisyales ng DILG.
Ayon sa isa sa mga taga-DILG na nagsurprise inspection, “Parang pagka renters nadi-disregard niyo.”
“Ah opo… ay hindi po!” mali-maling sagot naman ng kapitana.
“Tignan niyo po lahat ng aking pinamigay, almost for renter. Boarder, renter, halos lahat. Botante, hindi bontante binigyan ko ‘yan,” paglilinaw pa ng kapitana.
Isang kagawad naman ang nagpaliwanag kung bakit may ilang mga nangungupahan sa barangay na hindi nahahatiran ng ayuda.
“Actually po ang problema ganito, Renter, nakatira sa 5th floor ng building, nagtatawag yung mga nag-iikot para hinahanap nga ‘yong kung sino pangalan doon.” sabat naman ng kagawad.
“Sandali lang Kagawad ah, putulin ko kayo. Hindi niyo na kinakailangan na tawagin silang bumaba. Pwede namang kayo ang umakyat, ibigay niyo sa pintuan nila,” sabi naman ng isang DILG personnel.
“Yun nga po nililiwanag ko, pagpunta doon sa aakyatin niya walang tao. Kinakatok nila, walang tao kasi. Kasi ang katwiran nang magkita na kami, ‘ah nasa trabaho kasi ako’,” sagot naman ng kagawad.
Panoorin nyo po ang kabuuan ng video ng diskusyon ng mga opisyales ng barangay at mga opisyales ng DILG at ang mga komento na netizen sa social media:
"Nako sa amin ganyan din ginagawa magbigay man,hindi pantay pagka malapit ka sa kapitan masmarami binibigay pagka hindi ilang piraso lng binibigay kaya dapat bisitahin lahat mga baranggay para mahuli mga ganyan kapitan para maparusahan kc kawawa naman mga tao biktima nya"
"Malinaw ang sabi ng DILG kahit di botante ay mbibigyan hindi ba? anyari? may something kaba sa di mo bibigyan ksi nga di ka binoto. wag gnyan personalan ginagawa nyo naku po matakot ho kayo sa karma not now but soon maawa ho kayo s nagugutom baka sapitin mo rin yan sa bandang panahon."
"Gumagawa kc cla ng sariling patakaran hindi nla sinusunod yong mas nkakataas sa knila akala mo sa sariling bulsa galing yong ipamimigay kapal tlaga nila"
0 Comments