Ilang mga OFWs, pinagtabuyan ng ilang mga residente na malapit sa hotel na kanilang tutuluyan



Photo courtesy of Facebook 

Dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ) na nagbabawal sa mga pampublikong sasakyan na bumiyahe sa iba't ibang lugar.

Ilang mga kababayan nating seafarers ang dumating kamakailan sa bansa ngunit hindi pa makakauwi sa kani-kanilang probinsiya dahil sa ECQ.


Dahil dito, nagpasya ang mga ito na tumuloy na lamang pansamantala sa isang hotel sa Manila.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari, nakaranas ng diskriminasyon ang grupo ng mga seafarers na ito matapos silang ipagtabuyan sa hotel na kanila sanang tutuluyan. 

Isang lalaki na galit na galit ang humarang sa kanila, at ayaw silang patultuyin sa nasabing hotel.

Sa kabila ng paliwanag ng mga OFWs na madami na silang pinagdaanan na pagsusuri at nabigyan na din sila ng clearance na ligtas na silang lumabas.


Nauna ring pinaliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na natapos na ang quarantine period at nabigyan na rin ng certfificate ang mga OFW bago pa man sila nakauwi. 

Marami ang umalma dahil sa nangyari sa mga OFW na tinuturing nating makabagong bayani. Nagbigay naman ng reaksiyon ang mga netizens: 

"Keep safe... maling mali yang tao na yan di porket galing kau labas ei positive na kayo... yes we do understand his sentiments but he should also understand the situation kahit pa may unit sya its not the right manner to show especially this time... anu ngayon kung sultan sya, nakakagigil!" 

"Grabe namn yan! Discrimination is real talaga dto satin. Hays. Ingat nlng kayo jan matty."



"Wala ba security dyan. Pambihira naman pagtrato yan. Pag pasensyahan nyo na lang. Alam nyo sa sarili nyo na wala kayo ginagawa dyan na masama."


"Grabe nkakagalit yan. Grabe naman ung mga taong yan tumawag kayo sa kinauukulan para maayos yan."

"Tama yan, para malaman ng pamahalaan yung mga pangdidiscriminate nila. Ingat kayo!"

Dahil sa takot na dulot ng corona virus, marami ang nakararanas ng diskriminasyon sa iba't-ibang bahagi ng mundo. 


Kasalukuyang patuloy pa din ang pagtaas ng mga nagkakasakit dahil sa pandemyang COVID-19 sa maraming bansa na naging sanhi na umaabot na sa pagkasawi ng halos libo-libong mga katao.

Post a Comment

0 Comments