Photo courtesy of Punto |
Nangangamba at pagkadismaya ngayon ang nararamdaman ng mga residente sa Norzagaray, Bulacan matapos makumpirmang positibo sa COVID-19 ang pumanaw na doktor na kanilang pinaglamayan nang isang gabi.
Sa panayam sa isang residente sa nasabing lugar, hinihiling nila sa kanilang Provincial health office at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Norzagaray ang agarang "contact tracing" upang matukoy agad kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng pumanaw na doktor.
Maging ang mga nakasalamuha ng anak nito na isang barangay kagawad sa nasabing lugar na kasama pa sa pagbibigay ng mga releif goods sa kanilang lugar.
Labis na nangangamba ang mga kapitbahay nito dahil sa posible umanong kumalat ang corona virus sa kanilang lugar dahil sa ginawang pagburol ng yumaong doktor sa kanilang bahay.
Bukod pa dito, nilabag din ng pamilya ang social distancing nang magsagawa ng isang gabing lamay at misa sa simbahan para sa yumaong kaanak.
Matatandaang ipinagbabawal ang pagdadaos ng mga social gatherings sa panahon ngayon dahil sa pangambang pagkahawa sa pandemya.
Labis na ikinagulat ng mga nakipaglamay sa burol ng doktor dahil huli nang kanilang malaman na nagpositibo sa COVID-19 anf=g pumanaw na doktor na kinilalang si Dr. Marianito Galicia.
Matinding takot ang naramdaman ng mga residente sa nasabing bayan partikular sa Barangay Poblacion kung saan nakatira ang yumaong doktor at marami ang nagpunta sa isang gabing lamay dahil kilala ang doktor at kanilang pamilya sa kanilang bayan.
Nagpalabas ng official statement ng pamilya ng nasawing doktor sa pamamagitan ni Mayor Alfredo Germar, noong Abril 10 nang dalhin ang biktimang doktor sa Bulacan Medical Mission Group (BMMG) Hospital sa Bocaue subalit hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.
Dahil isa ring doktor ang anak ni Galicia at upang makasiguro sa pagkamatay ng kanilang ama ay nagpasya siyang ipasuri ang dugo nito sa pamamagitan ng COVID -19 IgG/IgM rapid test at negatibo ang lumabas na resulta.
Sa kabila nito, upang lubos na makasiguro, ay sinailalim din sa PCR test ang sample mula sa yumaong doktor at Abril 16 nang lumabas na positibo ang resulta mula sa Research Instutute for Tropical Medecine(RITM).
Ayon sa pamilya ng nasawing doktor, hindi nila inaasahan na ganitong pangyayari dahil bago umano ang insidente ay masigla at nakakausap pa nila ang kanilang ama bagama’t mayroon na itong matagal na mga karamdaman gaya ng diabetes, chronic kidney disease at sumailalim na rin sa heart bypass surgery.
Nananawagan ang pamilya Galicia sa sinumang nakasalamuha ng kanilang ama mula Marso 29 hanggang Abril 10 na kaagad makipag-ugnayan sa mga health office at ospital upang magpatingin at sumailalim sa home quarantine.
Nakiusap naman si Mayor Germar sa kanyang mga kababayan na huwag mag-panic dahil ginagawa lahat ng pamahalaang-lokal katuwang ang provincial at municipal health office ng DOH para sa nararapat na aksiyon tulad ng contact tracing.
Pinag-iisipan pa ang posibleng pag-extend ng Enhanced Community Quarantine sa ibang parte ng Luzon, kabilang ang NCR, Calabarzon at Bulacan ayon sa nuling pahayag ng Malacanang.
0 Comments