Photo courtesy of Facebook @Larraine Joyce A. Tams-Reyes |
Isang nakakalungkot na balita para sa mga hanay ng mga healthcare frontliners dahil isa na naman pong doktor ang pumanaw dahil sa pakikipaglaban sa pandemyang COVID19.
Pagluluksa ang naramdaman ng mga netizens dahil sa balitang bumungad sa kanila mula sa mensahe ng kapatid ng nasawing doktor at mabilis itong nagviral sa social media.
Isang batang-batang doktor, mabait na kaibigan, mapagmahal na kapatid at anak si Dr. Wilbur Jan Robert Demafiles kung isasalarawan sya ng kanyang mga kaibigan at kapatid.
Dahil sa masamang balitang natanggap ng kaibigan ni Dr, Wilbur at di ito makapaniwala, agad itong nagtanong kung totoo ang balita tungkol sa pagkamatay ng kaibigang doktor.
At ito nga ay kinumpirma ng kapatid ni Dr. Demafiles, ayon sa kapatid, nag-duty umano ng tatlong beses ng tuloy-tuloy ang kanyang kuya.
Dagdag pa ng kapatid nito, cardiac arrest umano ang dahilan ng pagkamatay niya dahil sa tatlong beses na tuloy-tuloy na pagtatrabaho bilang isang frontliner na gumagamot sa mga COVID-19 patients.
Ibinahagi naman ito sa Twitter ng nasabing kaibigan ang naging pag-uusap nila ng kapatid ng nasawing doktor.
Bumuhos ng pagpupugay para sa kabayanihan ng batang doktor at pakikiramay mula sa mga netizens para sa pamilyang naulila ang nasabing Twitter post. Narito ang kanilang mga pakikiramay:
"Gone too soon! Wag naman sana ganun. Ingatan din dapat ng mga frontliners sarili nila. Sana etong mga hospital directors or kung sino man, bigyan naman nila ng pahinga ang mga staff nila. Wala siyang ibang gusto kundi makatulong sa nangangailangan."
"Salamat po sa mga magulang ninyo, sa pagpaparaya sa inyo kapatid para makapaglingkod sa bayan. Nakikiramay po ako."
"This is sooo heartbreaking. RIP doc, you are a hero. All frontliners are risking their lives to save lives."
"Another heartbreaking news.Thank you so much Dr. Wilbur, very young with a GODLY heart for the sick. Praying for the eternal rest of your soul. Rest in heaven, rest in peace with the LORD our GOD. My heartfelt condolences to the bereaved Family..."
"Wala siyang ibang goal kundi magpagaling. Hindi ko man siya kilala pero ang sakit. Nakikiramay kami Disappointed face"
Samantala, wala pang nailalabas na official statement ang pamilya ng nasawing doktor hinggil sa dahilan ng pagpanaw ni Dr. Demafiles.
Sa kabila nito, nagpost sa Facebook ng isang malapit na kaibigan ni Dr. Demafiles, nabanggit nito ang tungkol sa dedikasyon ipinakita ng batang doktor sa kanyang trabaho.
Sa huling talaan ng Department of Health (DOH), 766 healthcare workers na ang nag positibo sa COVID-19. 339 dito ay doktor at 242 ang mga nurse.
Umabot na sa 22 ang pumanaw na healthcare worker sa bansa dahil sa COVID-19. Sa kasalukuyan, ay na sa 6,259 ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. 409 dito ang nasawi at 572 ang gumaling.
0 Comments