Walang tinira! Birthday cakes ni Sarah G, pinapauwi lahat ni Mommy Divine

Larawan mula sa Bandera




Isang kwento na naman ang lumabas tungkol sa nanay ni popstar Sarah Geronimo na si Mommy Divine sa pamamagitang ng PEP ph.

Ikinuwento umano ng komedyanteng si Ai-Ai de las Alas ang kanyang naging karanasan sa in ani Sarah G noon.



Nawala daw noon ang isang T-Shirt ni Sarah na pinahanap ni mommy Divine at pinahalughog pati sa van ni Ai-Ai.

Nang magpahanap daw si mader ni Sarah, wala si Ai-Ai at lumabas para mag simba, pero nang makabalik, agad nitong pinalipat ang kanyang mga gamit sa ibang dressing room para hindi maka share si popstar.

Magkasama umano sina Ai-Ai at Sarah sa isang dressing room noong nagkatrabaho sila sa Bituing Walang Ningning, isa sa mga ABS-CBN primetime series noong 2006.


Lumapit naman din daw si mommy Divine kay Ai-Ai para humingi ng sorry.

Naibahagi din sa ulat ng PEP ang naging karanasan ng iba pang mga personalidad kung saan nakasama nila si Sarah.

May isang movie press daw noon sa ABS CBN at nag celebrate ng birthday ni Sarah. Bukod sa tambak na mga regalong dumating, marami din ang birthday cakes.



Nawindang umano ang mga staff matapos ang show dahil pinapasok lahat ng in ani Sarah ang mga cakes na dumating sa loob ng van nila.

Kahit iyong isang cake na nahiwa na ni Sarah ay hindi raw pinalamas at walang tinira kahit para sa mga staff man lang sana.



Kaya naman, hindi na rin daw kagulat gulat ang kwento ni Ai-Ai tungkol sa ina ng bagong kasal na popstar.



Post a Comment

0 Comments