Koko Pimentel namili pa sa S&R BGC noong Marso 16, mga empleyado nito, under quarantine din

Photo courtesy of Philstar and MindaNation


Kahapon, March 25, 2020, ay naging laman ng social media at mga balita ang senador na si Koko Pimentel dahil sa paghatid nito sa kanyang manganganak na asawa sa Makati Medical Center.
Sa kabila ng pagiging carrier nito ng COVID19, ay nagawang pa ring lumabas ng quarantine ang nasabing senador, na sya namang ikinagalit ng marami.


Kaya naman umani ng kabi-kabilang pamba-bash ang nasabing senador dahil sa pagiging reckless at iresponsable nito dahil sa akson na nagawa.
Agad na nagpalabas ng pahayag ang pamunuan ng Makati Medical Center bunsod nito at talaga namang kahit sino ay magagalit sa nagawang pagbabalewala ng senador.
Sa kabila nito, agad ding naglabas ng pahayag ang pamunuan ng isa sa sikat na shopping center sa bansa, ang S&R Membership Shopping.
Kumalat kasi ang bali-balita na nakita si Pimentel na nagsho-shopping sa S&R sa BGC kaya agad ipina-review ng pamunuan ng S&R ang kanilang CCTV.


At ayon sa CCTV, nakumpirma nga na nagtungo sa S&R ang senador noong Lunes, March 16, 2020, bandang 1:59 ng hapon.
Bunsod nito, nagpasya ang S&R na isailalim sa quarantine ang mga emplayado na nakasalamuha ng senador.
Agad ding nagsagawa ng disinfection sa naturang S&R branch, upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Dagdag pa ng pamunuan ng S&R, araw-araw silang nagsasagawa ng disinfection sa kanilang mga store upang masiguro na ligtas ang bawat mamimili at kanilang mga staff.


Kabilang sa isinasailalim sa disinfection ay ang mga cart, front-end belts, items shelves at cash registers.




Post a Comment

0 Comments