Isang Pulis Maynila, namalo at pinagmumura ang residente sa Quiapo, Nagbanta pang babarilin!



Photo courtesy of Super Radyo DZBB/Facebook

Isang pulis sa Quiapo, Maynila, nagbantang babarilin ang mga lalabas ng bahay ngayong ipinatutupad ang enhanced community quarantine.
Huli sa akto ang pamamalo at pagmumura ng isang pulis sa isang lalaki na gusto sanang makalabas sa kanilang lugar sa Quiapo, Manila.


Nakunan ng video ang pamamalo ng isang pulis sa residente na nagpapakita ng quarantine pass.
Bukod bukod sa pamamalo at pagmumura, nagbanta pa ang umano ang pulis na babarilin ang sino mang lalabas ng lampas sa oras.
“Lahat nang lalabas nang walang oras, babarilin na, t*ngina niyo,” sabi ng pulis.
“Ikaw bakit ka lumabas? Oras ba ngayon? ‘Yan ba dapat gamitin ngayon? P*tangina niyo matigas ulo, umuwi ka!” giit pa ng pulis.


Nangako namang papaimbestigahan ni Manila Police District Chief Brigadier General Rolando Miranda ang nasabing insedente ng pananakit at pambabanta ng nasabing pulis.




Post a Comment

0 Comments