Ethel Booba gets back at Mocha Uson for bashing Vico Sotto: Okay na pabebe kesa pabobo!



File photo from Spot ph


Matapang na ipinag tanggol ni Ethel Booba si Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa mga pagpuna ni Overseas Workers Welfare Administration deputy executive director Mocha Uson sa alkalde.

Pinuna ni Mocha si Mayor Vico matapos nito payagan ang mga tricycle sa mga lansangan sa kabila ng patuloy na pagbabawal sa pampublikong transportasyon dahil sa enhanced community quarantine.



Ni-retweet ni Booba noong Huwebes (Marso 19) ang post ng isang follower niya sa Twitter na nagsasabing may ginawa na namang katangahan umano si Mocha.

Ang tweet  o post ay may kasamang screenshot ng post ni Mocha mula sa kanyang Facebook page kung saan ay kanyang pinuna si Vico dahil sa pagpapahintulot nito sa paggamit ng mga tricycle.

Sa isang post naman ni Banat By, na admin ng Mocha Uson Blog ay tinawag na “pabebe” ang mayor ng Pasig.

Kaya sumagot naman dito si Booba ng:  “Okay na sa pabebe kesa sa pabobo. Social media distancing talaga kailangan nila. Charot!”

Sa kasunod na tweet naman, hindi na napigilan ni Booba ang kanyang galit sa mga bashers ni Vico na karamihan ay supporters ng Duterte administration.


“Mauuna pa gamot sa corona virus kesa sa tanga kaya di ka na gagaling pa. Si Mayor Vico Sotto nga ang binabash nila dahil sa suggestion nito at magandang ginagawa sa Pasig City. Explain mo samin ang Local Government Unit at Non-Government Organization. Charot!” ayon pa kay Booba.



Post a Comment

0 Comments