'Malayo pa ang eleksyon!' Hindi kailangan ang Voter’s ID kapalit ang food pack -DILG



DILG Secretary Eduardo Año/photo courtesy of Abante and Philstar


Muling nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Hinggil sa paghingi ng voter’s ID kapalit ng relief food pack na ipinamimigay.

Sa panayam kay DILG Secretary Eduardo Año, nagbabala ito sa mga Barangay officials na ang enhanced community quarantine ay hindi panahon ng pangangampanya.



“Ang Voter’s ID ay hindi requirement para kayo ay mabigyan ng food pack o quarantine pass, Malayo pa ang eleksyon.” pahayag ni Año. 
Ayon pa kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan, ipinagbabawal sa mga local government unit (LGU) na obligahin ang mga residente na magpakita ng voter’s ID para makatanggap ng food pack na pinamimigay ngayong panahon ng lockdown sa Luzon

“Let me just emphasize, may report na nakakarating sa DILG na ang iba nating LGU ay humihingi ng voter’s ID at listahan na kailangan ikaw ay botante para mabigyan ka ng tulong. Naku po, bawal po yan,” ayon kay DILG Spokesperson Usec. Malaya sa isang public briefing.

“So, hindi ko po maintindihan kung bati kailangan malaman ng kapitan kung botante ka o hindi. Ngayon kung meron pong mga ganung kapitan na pasaway, again, meron pong number ang DILG. I-text yung number na yun at aaksyunan po namin ang reklamo sa inyong barangay kapitan,” ani Usec. Malaya.



Dagdag pa ng DILG Spokesperson, hindi dapat pinamimigay sa isang tao lang ang mga food packs kundi ay dapat sa bawat pamilya,

“Panahon po ngayon ng tulong. Panahon po ngayon ng magandang pamamahala at magandang leadership. Hindi po panahon ng politika ngayon. Hindi ko po maintindihan kung bakit ang ibang kapitan natin ay ganun. At hindi po individual ang tulong, pero household,” ani Malaya.

“Kung ang mga LGU natin ay gumagawa ng food packs, hindi po yan pang isang tao, pambahay. So, ang kailangan na i-identify ninyo kung ilang households meron diyan,” pagdidiin pa ni Malaya.

Binigyang diin pa ni Malaya, na dapat ang pinamimigay na food pack ng mga barangay officials ay makasasapat para sa loob ng tatlo hanggang apat na araw na pagkain ng isang pamilya.



Binalaan din ni Sec. Año ang mga barangay officials na huwag ng magtangkang lumabag pa, dahil maari silang masuspinde o matanggal sa kanilang mga pwesto.

Post a Comment

0 Comments