Content with mayor post: Vico Sotto says: " I’m only 30, w no interest in your national politics"





Mas pipiliin pa umano ni Pasig City Mayor Vico Sotto na manatili sa kasalukuyang posisyon kaysa pag-isipan na kumandidato sa pambansang halalan.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Mayor Vico na kanyang na-appreciate ang pinapakitang suporta ng publiko sa kanya ngunit hindi siya interesado sa "national politics"


Kamakailan lang ay naging laman ng social media at headlines ang mayor na anak ng aktor na si Vic Sotto at aktres na si Coney Reyes matapos ang kanyang mga creative at makabagong mga hakbang para labanan ang coronavirus sa kanyang nasasakupang lungsod.

Kasama sa kanyang diskarte ang pag-deploy ng mga drone para mag disinfect ng mga pampublikong lugar.

Binigyan din niya ng buong sweldo ang mga empleyado ng Pasig City, nagpagawa ng mga sanitation tents at mobile kusina para sa mga apektado ng COVID-19.

“Bagama’t naa-appreciate ko ang magagandang komento niyo sa akin – 1) I’m only 30, w no interest in your national politics,” ayon sa tweet ni mayor Vico.

Ipinagtanggol din ni Vico ang pakikipag-ugnay sa social media ng kanyang lungsod, at sinabing responsibilidad niyang iulat sa publiko ang mga aksyon na kanilang ginagawa.


 "Kasama sa trabaho ko ang pag-report ng ginagawa ng LGU. but our social media team is composed of only 2 ppl, and we can't rly control what goes on here." aniya

Post a Comment

0 Comments