‘Wag kang arogante! Duterte warns to shut down DMCI if Consunji refuses to compensate owners of quake-damaged condo



Larawam ni President Rodrigo Duterte at Isidro Consuji mula sa Manila Bulletin at Tribune



Nauubos na umano ang pasensya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagmamataas ng bilyonaryong si Isidro Consuji at pagmamatigas nito na bigyan ng compensation ang mga nasiraan ng tirahan dahil sa gumuhong Ecoland condominium dahil sa isang malakas na lindol.

Ang Ecoland condominium ay itinayo ng kumpanyang DMCI Homes nap ag-aari ng mga Consunji.



Ayon sa pangulo, siya ay nababahala sa ulat na nagmamatigas ang may-ari ng kumpanyang nagtayo ng naturang condo na bumagsak sa pagdaan ng 6.5 na lakas ng lindol sa Davao City noong nakaraang Oktubre.

“You were most arrogant do not do that. You will not only lose your funds but also your business, believe me. I have ordered an audit of all your buildings and violations you have committed,” ayon sa Pangulo sa isang interview kay Ted Failon ng ABS CBN.

“You know, if you do not come to terms with the people that you have prejudiced, will not allow you to even construct a building, not even a post,” dagdag ni Duterte



Ang Consunji ay kasosyo din sa Salim group ng Indonesia na siyang bumili naman ng Maynilad mula sa mga Lopez.

Naunang sinabi ni Consuji na gobyerno, at hindi ang pribadong mga kumpanya ang responsible sa pagpasok ng napakahirap na mga probisyon sa kontrata ng tubig ng Maynilad.



Nagbabala din si Consunji noon na ang pag-atake ni Duterte sa Maynilad at Manila Water ay lumikha ng ‘kawalan ng katiyakan’ at lubhang naapektuhan umano ang mga investors.



Post a Comment

0 Comments