US Sen. Markey on travel ban: 'Duterte sorely mistaken if he thinks he can silence me'




Larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte at US Sen. Edward Markey mula sa Panay News


Isa sa mga Senador na nagsulong na i-ban ang pagpasok sa US ng mga opisyal na Filipino na may kinalaman sa pagpapakulong kay Senador Leila De Lima ay hindi umano natatakot sa “strongman tactics” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Democratic Sen. Edward Markey, hindi umano siya mapapatahimik ni Duterte matapos ang utos nitong huwag papasukin ang mga US senators na nagsulong ng probisyon para kay De Lima.



President Duterte is sorely mistaken if he thinks he can silence my voice and that of my colleagues,” ayon sa pahayag ng US senator mula sa Massachusetts.

“He has already failed to silence Senator De Lima, Maria Ressa and others in his country who have spoken truth to power,” dagdag ni Markey

“I stand with the people of the Philippines and with my state’s vibrant Filipino-American community in fighting for the highest democratic ideals and against the strongman tactics of the Duterte government.” Ayon pa sa Amerikanong mambabatas



Dalawa sa mga Democrats na kasamahan ni Markey na sina Patrick Leahy at Richard Durbin ay ipinagbawal din ni Pangulong Duterte na pumasok sa Pilipinas.

Sina Durbin at Leahy ay nasa likod ng probisyon sa United States 2020 national budget na nagbabawal sa pagpasok ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na may kinalaman sa pag kakakulong ni De Lima.



Sinabi din ng Pangulo na ang lahat ng American citizens ay kailangang mag secure na ng visa kung nais pumasok ng Pilipinas, maliban sa mga balik-bayang OFWs.

“The President is immediately ordering the Bureau of Immigration to deny US Senators Dick Durbin and Patrick Leahy, the imperious, uninformed, and gullible American legislators who introduced the subject provision in the US 2020 Budget, entry to the Philippines,” ayon kay Spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing noong nakaraang Linggo

Sinabi ni Panelo na hindi magsasawalang kibo ang gobyerno ng Pilipinas kung patuloy sa pangingialam ang mga senador ng Amerika sa pam-pulitikang desisyon ng bansa.

Samantala, Si De Lima ay naka kulong simula February 2017 dahil sa iba’t ibang kaso na may kinalaman umano sa bentahan ng ilegal na droga.

Post a Comment

0 Comments