Photo courtesy of Official Isko Moreno Domagoso Facebook Page |
Pinag-iingat ni Mayor Isko Moreno ang mga ManileƱo maging an
gating mga kababayan hinggil sa bagong-bagong modus ng pang-gagantso ng mga
dorobo sa ating mga kababayan.
Ayon sa video na ibinahagi ni Mayor Isko Moreno sa kanyang
official Facebook account, kanilang nadiskubre kamakailan ang bagong istilo ng
mga budul-budol o panloloko sa kanyang lungsod.
Makikita sa video ang dalawang lalaking prinesenta sa harap
ng media na mga nakatakip ang mga mukha at tila hiyang-hiya sa kawalang hiyaang
ginawa nila sa kanilang mga nabiktima.
Kasama sa pagharap sa media ang sinasabing nabiktima na
kinilalang si Manuelito Rael Ormedo, isa umanong vlogger.
Inilahad ni Mayor Isko ang bagong style ng pang-gagantso ng
dalawang suspek, di umano ang dalawa ay manghihikayat ng signature campaign sa
mga taong inosente.
Magpapanggap na mayroong isang job hiring or orientation sa
isang event ang mga magiging biktima at kanila itong hihikayatin na magsigh-up.
Matapos mahikayat ang kanilang mabibiktima ay kanila itong
dadalhin sa isang lugar na kung saan ay mayroong naghihintay na kasama nila
upang mapapirma ang kanilang mga biktima.
Ngunit pagkadating sa nasabing lugar, ay kanilang
pagsasabihan ang mga taong nahikayat nila, na bawal magdala ng cellphone, bags
at anumang sariling gamit sa loob ng nasabing lugar.
Kailangan umanong iiwan sa kanilang kasama ang kanilang mga
gamit, at pagkatapos ay ipapasulat pa di umano ang mga gamit ng biktima bilang
patunay na kanila itong iniwan sa ganitong lugar.
Ayon sa salaysay ng biktima, na si Ormedo, kasalukuyang
nagva-vlog sya sa Bonifacio shrine at kinukunan nya ng video ang isang
matandang namamalimos.
Maya-maya ay lumapit ang isa sa mga salarin kay Ormedo at
inalok ito na baka gusto nyang kumuha ng coverage ng Oblation Run sa UP.
Na-ennganyo naman si Ormedo at naisip nyang magandang content
ito para sa kanyang vlog. Kaya naman pumayag ito sa alok at sumama na sa mga
salarin.
Nilapitan daw si Ormedo ng iba pang mga kasama ng salarin at
hiningi na nga ang kanyang mga personal information gaya ng pangalan, address,
at school na kung saan sya ay grumaduate.
Pagkataos ay pumunta sa sila sa tapat ng Unibersidad de
Manila o UDM, at doon na nga nangyari lahat ng pangloloko sa pobreng biktima.
Salaysay ng biktima, bago muna sila magpapirma ay bawal daw
umano magdala ng mga gamit na kanyang dala. Isunulat pa daw ito sa isang papel
bilang inventory ng kanyang mga gamit na iiwan at
kanya nang isinurrender ang mga ito.
Sa isang papel lang umano ipinasulat ang listahan ng kanyang
mga gamit, at kanila pa itong pinirmahan bilang patunay.
Pagkatapos ay ibinilin kay Ormedo na kailangan nyang pumunta sa KFC sa SM Manila, kung
saan ay may naghihintay na tao doon at kailangan nya ring bumalik upang ipakita
ang papel na may pirma.
Pagkadating nya sa KFC, wala naman ang taong sinasabi ng mga
tolongges, at doon na nga nakaramdam ng kaba ang kawawang biktima.
Doon na nahimasmasan si Ormedo, narealize nya na nadugas na
sya. Agad syang bumalik sa UDM at wala na nga mga taong nanghikayat sa kanya
magpapirma.
“ Nahypnotized nga po
ako, kung ano ang sinasabi nila, sunod lang ako ng sunod.” Sabi ni Ormedo
habang kausap si Yorme.
Ayon kay Mayor Isko, “ang
mga budol-budol, nagsasalita yan ng mga gusto nating marinig, kay nagiging
music to our ears, kaya ikaw naman, flying high sa cloud 9. Kaya naman pagka
kakaiba, iwasan nyo na.”
Muli ding binalaan ni
Mayor Isko ang mga masasamang loob, aniya, “wag kayo basta-basta gagawa ng
krimen sa Maynila ngayon, Bakit? lima sinko na po ang CCTV ngayon ng city government.”
Hangad ni Mayor Isko na ipaalam sa madla ang mga ganitong
bagong istilo ng mga kriminal at bago pa man daw lumala at marami pa ang
mabiktima ay maipaalam na sa lahat.
Dagdag pa ni Yorme, "kung ang panahon at teknolohiya ay
nagbabago, ang utak ng mga kriminal din ay nagbabago. "
0 Comments