Kakapiyansa lang, suspek sa pagpatay sa batang nangaroling, natagpuang patay at tadt*d ng bala





Ayon sa isang ulat ng Saksi, ang suspek sa pagpatay sa isang batang babae, na lumabas upang kumanta ng mga Christmas carols sa Bauan, Batangas noong nakaraang linggo ay natagpuang patay.

Si Mark Alvin Sajer ay pansamantalang nakapag piyansa at habang nasa labas ng kulungan, pinag babaril umano ng ilang beses.



Ang katawan ni Sajer ay natagpuan sa isang bakanteng lote sa loob ng isang subdivision.

Sinabi din sa ulat nab ago ang insidente ng pamamaril ay sinamahan si Sajer ng kanyang asawa at ama nang umalis ng detensyon cell.

Ngunit nagulat umano ang pulisya nang bumalik ang mga kamag-anak ng suspect-turned victim upang humingi ng tulong dahil nawawala daw ito.

Wala pa umanong itinuturong suspek sa pagkakabaril ni Sajer ngunit nakikitang paghihiganti ang maaring maging motibo ng mga bumaril.

Naunang inamin ni Sajer na kanyang napatay ang bata ngunit tumanggi siya na ginahasa niya ito.





Post a Comment

0 Comments