Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Senator Leila de Lima. / larawan mula sa Inquirer |
Gingamit umano ni senador Leila De Lima ang media para
magpalaganap ng mga “maling balita” tungkol sa kanyang pagkaka kulong, ito ay
ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo noong Sabado.
Ang pahayag na ito ni Panelo ay nag arise matapos malaman na
ilalabas ni de Lima ang isang updated na roster ng mga indibidwal na diumano’y
mayroong kamay sa kanyang pag-aresto.
“She is just using you people (from the media) to become
relevant while in detention. Kayo naman pinapatulan ninyo kaya happy na happy
siya,” ani Panelo, ayon sa ulat ng Politiko
“As far we are concerned, she is an irrelevant political
entity,” dagdag ng spokesman
Sa isang pakikipanayam sa CNN Philippines noong Huwebes,
sinabi ng abogado ni de Lima na si Fhillip Sawali na maglalabas ang kanyang kliyente
ng ‘mas kumpleto at mas detalyadong listahan ng mga opisyal na kasangkot sa
kanyang umano’y maling pagkaka kulong.
Isang probisyon sa budget ng US 2020 na naunang nilagdaan ng
Pangulo ng Amerika na si Donald Trump ay pinahihintulutan ang Kalihim ng Estado
ng Estados Unidos na si Mike Pompeo na hadlangan ang mga opisyal ng gobyerno ng
Pilipinas na kasangkot sa "maling pagkulong" ni de Lima mula sa
pagpasok sa Washington.
Ang mga pangalan na nasa roster umano ni De Lima ay ang mga
sumusunod.
Kabilang sa nasabing listahan sina Rodrigo Duterte, Panelo,
former Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Solicitor General Jose Calida,
and Presidential Anti-Corruption Commission chairperson Dante Jimenez, among
others.
Ayon pa kay Panelo, dapat ay isinama na rin De Lima ang
kanyang sarili sa listahan.
“She already said she would include (the President), but if
I were you, you should ignore her nonsense,” aniya
“She should put (herself) on the top list plus Trillanes and
others who have been peddling lies to the outside world,” dagdag pa ni Panelo.
0 Comments