US senator calls Duterte to stop visa threat vs. Americans: Insulto ‘yan sa Fil-Ams, pakawalan si De Lima!





Nanawagan ang Senador ng Estados Unidos na si Dick Durbin kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes (Disyembre 31) na huwag nang ituloy ang paghihigpit sa pagpapapasok ng mga dayuhang Amerikano sa Pilipinas.

Ito ay matapos lumabas na nagpasa at nilagdaan na ng US President na si Donald Trump ang isang probisyon na nag babawal ng pagbibigay ng visa sa mga Pilipinong opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa pagkakakulong ng senador na si Leila De Lima.



Sa isang pahayag, hinikayat ni Durbin si Duterte na itigil ang banta laban sa mga Pilipinong Amerikano at iba pang mga foreign travels at pakawalan na umano si De Lima.

"The Duterte administration should stop threatening the travel of these Filipino Americans and so many others who travel between our nations and instead release Senator de Lima or assure a quick and credible trial," ayon sa isang statement ni Durbin, base sa ulat ng GMA News

“This strong-arm tactic is an insult to the Filipino American community and the country’s democracy,” ayon kay Durbin



Si Durbin, kasama ang US Senator Patrick Leahy, ang nagpakilala ng kontrobersyal na probisyon sa US national budget ng 2020.

Bilang sagot sa naging aksyon na ito ng US, inihayag ng Malacanang na sina Durbin at Leahy ay ipinagbabawal na pumasok sa Pilipinas.

Ayon pa kay Panelo, ire-require na ng gobyerno ang mga American citizens na kumuha ng visa para makapag lakbay sa Pilipinas.



Si De Lima ay naka kulong simula February 2017 dahil sa iba’t ibang kaso na may kinalaman umano sa bentahan ng ilegal na droga.

Samantala, nanindigan naman ang senador na gawa-gawa lang ang mga naging akusasyon sa kanya at tinawag itong ‘political persecution’.


Post a Comment

0 Comments