President Duterte says he prays every night: 'Hindi ako nagdadasal para sa sarili ko, para sa bayan lang'



President Rodrigo Duterte / Larawan mula sa InterAksyon


Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, iisang bagay lang ang gabi-gabi niyang ipinagdarasal at ito ay ang mapabuti ang bansang pinamumunuan niya.

“Yes, for my country. Wala na akong hinihingi para sa akin, sa sarili. Bansa lang (I don’t ask anything for myself. I make a wish for the country),”ang sabi ng Pangulo sa isang interview niya sa show ng GMA na Unang Hirit nitong Martes.



“Ako hindi na ako nagda-dasal para sa sarili ko. Para sa bayan (I don’t pray for myself but the country,)” dagdag ng chief executive

Ang Pangulo ay isa sa mga kritiko ng mga alagad ng simbahang Katoliko kung saan ay binunyag din niya na siya ay naabuso ng isang pari noong siya ay bata pa.

Sa kabila nito, inamin ni Duterte na siya ay isang malalim na relihiyosong tao.



“You might think that just because I quarrel with the cardinals and the bishops that I am not… that I’m irreverent. Yung, I could be a sacrilegious guy. Hindi kaya,” ayon sa Pangulo sa naunang interview kay Pastor Quiboloy

Si Duterte ay mayroon na lamang higit dalawang taon upang mag silbi bilang pangulo ng bansa.
Isa sa mga paulit ulit niyang pangako sa mga Pilipino ay ang ipagpatuloy ang pag sugpo sa ilegal na droga at korupsyon sa bansa.

Sa isa niyang panayam sa CNN Philippines nitong Biyernes, tiniyak ng 74-taong-gulang na Pangulo sa publiko na karapat-dapat pa rin siyang gampanan ang kanyang mga tungkulin, sa kabila ng kanyang mga problema sa kalusugan.



Tiniyak din niya na hindi na kailangang siya ay maglabas pa ng isang medical bulletin tungkol sa kanyang kalusugan, dahil ayon umano sa 1987 Constitution maari lamang pilitin ang isang pangulo na ibunyag ang totoong katayuan ng kanyang kalusugan "kung sakaling may malubhang karamdaman".

Nauna na ring isinapubliko ni Duterte na nakikipaglaban siya muscle spasms, chronic back pains, migraines, at autoimmune neuromuscular disorder.

Inamin din niya na mayroon siyang Baropht esophagus, isang potensyal na seryosong komplikasyon ng gastroesophageal Reflux disease, at ang sakit ng Buerger, isang bihirang sakit ng mga arterya at veins sa mga bisig at binti.


 Source: Politiko




Post a Comment

0 Comments