Pres. Duterte nagbigay ng P100M bilang suporta sa mga manlalaro ng Olympics 2020






Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga atletang Pilipino sa darating na 2020 Tokyo Olympics at hindi na din nila kailangang alalahanin pa ang logistics matapos mag pledge ng chief executive ng P100 milyon para sa kanilang pagsasanay.

Ayon kay Philippine Sports Commission Chair William “Butch” Ramirez, sinabihan umano ng Pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corp. chairman / CEO na si Andrea Domingo na mag laan ng pera para sa Olympic qualifiers.



 “We have a President who really loves our athletes. We will provide everything they need to become successful in the Olympics,’’ ayon kay Ramirez.

Maliban kay Asian champion pole vaulter EJ Obiena at world champion gymnast na si Carlos Edriel Yulo na kwalipikado sa Tokyo Summer Games sa Hulyo 24-Agosto 9, may ilan pang manlalaro ang inaasahang sasali sa mga susunod na buwan.



Ang Asian games gold medalist na si Margielyn Didal (skateboarding), judoka Kiyomi Watanabe, at boxers Nesthy Petecio at Eumir Marcial ay inaasahan din na lilipad patungong Tokyo.

Ang 19-taong-gulang na si Yulo, ay itinuturing na pinakamalakas na contender ng Pilipino para makasungkit ng gintong medalya sa Olympics.

Inaasahan niyang haharapin ang parehong mga katunggali sa Olympics.


Samantala, ang 24-taon gulang na si Obiena ay babalik sa Italya nang maaga sa susunod na taon upang ipagpatuloy na pagbutihin ang kanyang laro

Source: Inquirer 


Post a Comment

0 Comments