Nakatakdang ihayag ni Bise Presidente Leni Robredo ang
kanyang mga natuklasan at rekomendasyon sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo
Duterte nitong Lunes.
PDEA chief Aaron Aquino and Vice President Leni Robredo / file photo mula sa Inquirer |
Sa isang media briefing sa Malacañang nitong Huwebes,
hinimok ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National
Police si Robredo na ibunyag ang lahat ng kanyang natuklasan sa kanyang 19-araw
na stint bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti- illegal drugs
(ICAD).
“If there is, I urge her to open up,” ayon kay PDEA chief
and ICAD chair Director General Aaron Aquino.
“Hindi kailangan itago. Kung ano ang discoveries na nakita
niya whether it is good or bad for the administration, then go,” dagdag pa ng
PDEA chief
Samantala, para naman kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard
Banac ay nagpahayag rin na ang mga rekomendasyon ni Robredo ay maaring makatulong
naman sa epektibong pagpapatupad ng mga ginagawa para labanan ang ilegal na
droga sa bansa.
“Ano mang ipapahayag ng ating Vice President Leni Robredo sa
ikakabuti ng ating kampanya laban sa ilegal na droga ay welcome sa PNP.
Inaasahan natin na magagamit natin ito para maging mas
epektibo ang ating kampanya laban sa droga,” ani Banac
Naunang pinahayag ng Bise Presidente na kanyang isasa-publiko
ang mga natuklasan niya pagkatapos ng Southeast Asian Games 2019 na nagtapos na
kahapon.
“Most probably Monday, ano? Monday mangyayari,” ayon kay
Robredo sa isang event sa Quezon City
0 Comments