Palace hits Robredo's camp comment 'walang malasakit': Pure nonsense!

Bise President Leni Robredo pinakita ang kanyang hinandang report tungkol sa mga natuklasan sa drug war / larawan mula sa Philstar




“Pure nonsense” ito ang pagkakalarawan ni Presidential Salvador Panelo sa pahayag ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo na ang kanyang reaksyon daw sa hindi pagpapalabas ng huli sa kanyang  mga natuklasan tungkol sa drug war ay nagpapakita ng kakulangan ng empatiya.

“The release of her report/recommendation, previously described by her as ‘discoveries’, insinuating that these were irregularities that she threatened to expose has nothing to do with focusing efforts to help the earthquake victims and the rehabilitation work on the resulting damage. Both can co-exist,” ani Panelo



Sa isang pahayag noong Martes, idinagdag ng opisyal ng Palasyo na ang pag puna ni Robredo sa kakulangan umano ng simpatya ay ‘wala sa lugar’.

Ayon pa kay Panelo, ang pahayag ni Robredo na pagpapaliban ng pagpapalabas ng kanyang pinakahihintay na ulat habang ipinakita ang isang kopya ng 40-pahinang dokumento sa mga miyembro ng media ay nagpapakita lang na gusto nito ng spotlight.



“She has deferred her report a number of times, looking for a perfect timing and hoping that people would pay attention to her as she struggles to be relevant, while the government is silently doing its job in addressing the issues our nation faces, such as providing assistance to those who were affected by the recent earthquake,” ayon pa sa tagapagsalita

“The welfare of the next generation is at stake. If VP Leni has anything to recommend to improve the current anti-illegal drug war, out with it. This is not the time to vacillate.

“If she has ‘discoveries’ that she threatened to expose, bring it on!, as the President dares her to do,” dagdag pa niya

Ayon sa naunang pahayag ni Robredo, kanyang ipagpapaliban ang pagpapalabas ng kanyang ulat sa publiko matapos ang malakas na lindol sa Mindanao.




Source: Politiko


Post a Comment

0 Comments