Photo courtesy of CNN Philippines |
Nais malaman
ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kabilang si Senador Franklin Drilon sa mga
gumawa ng di umano’y hindi tamang mga kontrata ng gobyerno sa Manila Water at
Maynilad.
Sa isang
talumpati na binigay sa Malacanang nitong Martes ng gabi, naalala ng pangulo na
binalaan siya ni Drilon laban sa pagrereview ng mga kontrata.
“I
distinctly recall that Drilon said something, ‘Presidente Duterte, do not
tinker with that contract because we will end up paying so many billions of
pesos.’ Senator Drilon, are you one of those who crafted the contract? I’m
asking you,” ayon sa Pangulo
“Ako, I said, I’m ready to go down. Hindi kita tinatakot. Pero
‘pag bumagsak ako, dadalhin talaga kita. I will — I will… I’m not — I’m not —
nagtakot-takot. I’m not challenging you. You just tell the people the truth.
You read the contract aloud and say if it is good for the people.
“But
do not f*** with me — takutin mo ako billions of pesos. If I go down, you go
down. I am ready anytime. I’m ready to be destroyed anytime. But I will also
destroy because you destroyed my country,” dagdag niya
Ang mga komento ni Duterte ay lumabas matapos utusan ng Permanent
Court of Arbitration sa Singapore na magbayad ang Maynilad ng P3.6 bilyon at Manila
Water ng P7.4 bilyon para sa hindi pagpapatupad ng pagtaas ng tariff rate.
Naunang sinabi ni Drilon na siya ay pabor na suriin ang lahat ng
mga kontrata ngunit ang mga, “existing and binding contracts cannot simply be
classified as onerous and canceled.”
Samantala,
binalaaan din ng Pangulo na kasuhan ang mga water concessionaires ng economic
sabotage.
Source: Politiko
Source: Politiko
0 Comments