Maguindanao lesson: May araw din ang mga naghahari-harian at abusado sa power– Hontiveros



Sen. Risa Hontiveros / Larawan mula sa Manila Bulletin



Matapos mahatulan ang mga nasasakdal  sa pagkamatay ng 57 katao sa Maguindanao, nag bigay ng babala si Senador Risa Hontiveros na ang mga umaabuso sa kapangyarihan ay mananagot pa rin sa batas.

“There are moments when people drunk w/ power feel they are invincible. But as Martin Luther King Jr said, ‘The arc of the moral universe is long, but it bends toward justice,’” ayon kay Hontiveros



“Lesson learned today: may araw din ang mga naghahari-harian at mga abusado sa kapangyarihan,” dagdag niya

Isinusulong din ni Hontiveros ang proteksyon para sa mga mamamahayag upang hindi maulit ang nangyari sa Maguindanao.

“The road to justice ends when we ensure that any similar attack on the free press & our democratic rights never happens again,” ayon pa sa kanyang Tweet



“The Phils must be safe for members of the press & for anyone exercising our democratic rights,” aniya

Samantala, nagbabala din si Senador Kiko Pangilinan sa mga taong umano’y nasa likod ng pagpatay sa madugong digmaan laban sa ilegal na droga na dadanasin din nila ang kapalaran tulad ng sa mga Ampatuan.

“Those behind the daily killings in the brutal drug war launched by this Administration should take today’s Ampatuan Massacre Guilty Verdict to heart,” Ayon saa isang post ni Pangilinan sa Twitter

“Mass murderers and their enablers must be, will be punished. #MaguindanaoMassacreVerdict,” dagdag niya


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments