Decided na! Robredo ilalabas sa publiko ang mga natuklasan sa drug war next week



Bise President Leni Robredo (ctto)



Desidido na si Bise Presidente Leni Robredo na ilabas sa publiko sa susunod na Linggo ang kanyang mga natuklasan tungkol sa drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Robredo ang pahayag sa isa umanong media interview nitong Martes December 10, 2019.



Ayon kay Robredo, inaantay na lang niyang matapos ang Southeast Asian Games 2019 na nalalapit na ring magtapos.

“Most probably Monday, ano? Monday mangyayari,” ayon kay Robredo sa isang event sa Quezon City

Nauna nang nagbigay ng babala ang ikalawang Pangulo na kanyang ihahayag niya sa madla ang kanyang mga natuklasan at rekomendasyon para ma-improve ang kampanya laban sa droga ay nakapaloob sa dalawang ulat na isusumite niya dapat sa pangulo.



“Iyong first two reports ko saka recommendations, sa kaniya ko sina-submit. Pero sabi ni Sec. Panelo, hindi naman binasa. So iyong sa akin, baka mas mabuti, public, para for whatever it is worth, ma-consider,” ani Robredo sa kanyang programa sa radio noong isang Linggo

Kung matatandaan ay hinamon din ni Pangulong Duterte si Robredo kamakailan na ibahagi ang kanyang natuklasan tungkol sa giyera laban sa droga.



Sinabihan  din ng Pangulo ang Bise President na ginawa niyang "assh * le" ng kanyang sarili sa 19 na araw na siya ang naging bahagi ng ICAD.


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments