Solon ipapatawag ang nagpakalat ng "fake news" tungkol sa SEA Games


Kabayan Party-list Rep. Ron Salo at mga larawan mula sa Facebook


Dahil naglikha ng matinding kontrobersya sa SEA Games 2019 ang mga kumalat na “fake news” sa social media ay ipapatawag umano ng House Committee on Public Information ang mga nagpakalat ng maling balita pagkatapos ng Southeast Asian Games.

Sinabi ni Kabayan (Kabalikat ng Mamamayan) Party-list Rep. Ron Salo na “sinadya, organisado at tila malisyoso” ang mga balitang ipinalabas ng media para siraan ang organizers at mismong ipahiya ang bansa.



 Dagdag pa ni Salo, kung mapapatunayang nagkasala talaga ang may akda ng maling balita ay maaari silang managot sa batas.

“I will investigate fake news being propagated either in the social media or the traditional media,” ayon kay Salo nitong Miyerkules.

Noong Martes, itinanggi ng Singapore National Olympic Council (SNOC) na ang kanilang mga Muslim na atleta ay binigyan pagkaing may baboy.



Sinabi din ng tagapagsalita para sa SNOC na ang kanilang chef de mission na si Juliana Seow, ay hindi nakipag-usap sa media ng Pilipinas tungkol dito.

Juliana did not speak with the Philippine media nor were our Muslim athletes served pork,” ayon sa tagapagasalita.



Naunang kumalat sa mga balita na sinabi ni Seow sa media na napilitan silang mag order ng take out sa labas para sa kanilang atletang Muslim na binigyan ng Kikiam.

Ang Kikiam ay isang uri ng streetfood sa Pilipinas na gawa sa baboy ngunit napag-alaman din na ito pala ay Chicken Sausage.


“What’s more important is to work with the organizers to address and resolve them (problems), so that our athletes and officials can compete in a conducive environment,” ayon kay Seow sa isang statement.


Source: Tribune 

Post a Comment

0 Comments