SEA Games: 'Chicken sausage po, hindi Kikiam' ang hinanda para sa PH football team



Pinagsama-samang larawan mula sa Facebook


Nagbigay na rin ng pahayag ang isang hotel na nag host para sa isang koponan ng football ng Pilipinas na hindi Kikiam ang kanilang inihanda para sa mga manlalaro at hindi Kikiam katulad nang sa kumakalat na di umano’y “fake news”.

Sa isang pahayag sa pamamagitan ng Facebook post, sinabi ng WhiteWoods Hotel sa Cavite na nais nitong ‘tapusin ang sirkulasyon ng maling impormasyon.’



“We serve athletes a buffet that is part of a meal plan prepared by the organizers. For the specific breakfast meal in question, chicken sausage (and not 'kikiam'), was part of a wider menu that included an omelette station, other assorted sausages, fruits, fresh fruit juices, bread, and rice,” ayon sa pahayag ng hotel

Samantala, hiniling naman ng Coach na si Let Dimzon ng nasabing koponan sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na sana ay matugunan o maresolba na ang isyu sa Lunes.

Sinabi din ng hotel na paulit-ulit na humingi ng tawad si Dimzon dahil sa maling pahayag, ngunit huli na dahil kumalat na ito bago pa ito naitama.



“This coach admitted that she was not present during the breakfast buffet. She saw the chicken sausage in a plastic container (which is not a hotel container, as we do not use plastic for packed meals) and assumed that this was the full breakfast meal,” ayon sa WhiteWoods

Ayon sa isang media briefing noong Miyerkules, sinabi ng head chef ng atleta na si Bruce Lim ang lahat ng hinanda niya ay masustansya at halal para sa mga atleta.


Ang isyu tungkol sa  pag se-serve umano ng Kikiam ng mga hotel host ay iisa lamang sa mga maling balita na kumakalat lalo na sa social media.

Source: CNN Philippines



Post a Comment

0 Comments