Sana dalawa ang puso ko! lalaki pinakasalan pareho ang dalawang babae para walang gulo



Photos courtesy of Facebook



Dahil sa parehong nang napamahal sa kanya ang dalawang babae, nagpasya ang isang lalaki na nakilalang si Razul Tunbukong na pakasalan na pareho ang dalawang babaeng pinag-aagawan daw siya.

Si Razul Tunbukong ay nagta-trabaho sa isang tourist center, mula Kota Kinabalu, Malaysia. Ayon sa Facebook page na Rachfeed, matagal nang magkasintahan sina Razul at Jarah Mendoza.



Sa katunayan nga, nagbalak nang magpakasal sina Razul at Jarah upang tuluyan nang magsama habang-buhay at magtaguyod ng pamilya.

Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin ng makilala ni Razul si Thelma Guipal, dahil ang trabaho ni Razul ay sa isang tourist center, kaya nakilala nya ang pangalawang babae na bumighani sa kanya.

Ayon kay Thelma, siya raw ay napa-ibig kay Razul at ganun din ang lalaki, kaya naman pinangakuan sya ng kasal nito.



Di kalaunan, hindi na nakapagpigil si Razul at kanya nang ipinagtapat sa unang kasintahan na si Jarah, at ang inaasahan, ayaw na sanang pumayag ng mga magulang ni Jarah na magpakasal pa sa kasintahan.

Lalo pang naging magulo ang sitwasyon nang hindi na rin pumayag ang mismong magulang ng groom dahil sa malaki na rin ang nagastos ng kanilang partido para sa paghahanda ng kasalan.

Dahil dito, nakaisip ng ibang solusyon ang bawat partido at napagkasunduan nila na ituloy na lang ang pagpapakasal ng groom sa parehong babae.

Maari namang mangyari ang set-up na gusto ng groom at dalawang brides dahil sila ay pare-pareho namang mga Muslim.

Hanggang sa nagsama na nga sa iisang bubong ang tatlo ngunit di kalaunan, sa hindi inaasahang pangyayari, ang isa sa mga babaeng asawa ni Razul ay nangibang bansa at di pa muling bumabalik hanggang sa mga sandaling ito.

Naging usap-usapan na nga ng iba, na marahil di nakayanan ng isa sa dalawang asawa ni Razul ang kanilang  kakaibang relasyon, na bagaman pinahihintulutan ng kanilang relihiyon, ay maaring di naman kinaya ang kanilang sitwasyon.



Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments