Rebelasyon ng dating guro ukol sa nakaraan ng inang nagpa Tulfo, umani ng mga batikos



Mga screenshot mula sa Facebook


Dahil sa pagpapa-tulfo, lumabas din ang detalye ng nakaraan ni Rosemil Edroso, ang ina na nagreklamo sa guro na si Melita Limjuco kay idol Raffy Tulfo.

Naging isang malaking usapin sa social media ang episode ng Raffy Tulfo in Action tungkol sa nanay at lola ng estudyanteng di umano’y napahiya ng guro nito.



Ang desisyon ni idol Raffy na pag bitiwin sa serbisyo si Limjuco upang hindi makasuhan ay umani ng kritisismo ng mga netizens.

Maging ang beteranong host ay nabatikos ng mga netizens sa agarang "aksyon" na ginawa niya sa guro para mai-settle ang reklamo.

Samantala, sa pamamagitan ng KAMI website, napag alaman na may isang komento mula sa dating guro ni Rosemil ang ngayon ay kumakalat na din.



Dahil sa komentong ito, nalantad ang nakaraan ng ina ng estudyanteng involved sa kwento.

Ayon kay Eric Dolloso, dating guro ni Rosemil, first year college pa lamang nang mabuntis ito at nagging dahilan kung bakit kinailangan tumigil ito sa pag aaral.

Sinabi din ni Dolloso na nagmula sa Araullo High School si Rosemil at maganda daw talaga ito noon pa man.

Ngunit, nabanggit din ng guro na di raw ito pumasa sa kanya dahil walang utak. Naungkat pa ang sinabi ng lola na matalino ang apo nito at di dapat napahiya.



Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng mga nakabasa dito, narito ang ilan:

"Di naman na yata tama na pati nakaraan ng mommy sasabihin pa..."

"Baka naman sa ama nagmana hindi sa nanay, sablay na ito"


"Ang babaw. Pati bata dinamay na walang utak kasi nanay walang utak?"

Ayon naman sa update tungkol sa usapin, sinabi ng DepEd na nagkasundo na ang dalawang panig at nagkaayos, alang-alang sa bata.


Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments