Ayon kay opposition Senator Franklin Drilon, ang Build, Build,
Build program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay isang “dismal
failure” o miserableng pagkabigo, dahil siyam lang umano ang naipatayo sa halos
75 na flagship projects nito sa loob ng tatlong taon.
Kinuwestiyon din ni Drilon ang accomplishment rate ng mga
proyekto sa isang plenary deliberation para sa panukalang 2020 budget noong
Martes.
“It is sad to
say that the BBB program of the administration is a dismal failure. Out of the
75 flagship projects that were proposed at the start of the administration,
exactly nine started construction. That is only 2 percent of the total,” ani
Drilon, ayon sa report ng Inquirer.
Samantala,
hindi naman pinansin ng tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo ang sinabing
ito ni Drilon na wala umanong basehan, katunayan, marami nagawa ang kasalukuyang
administrasyon.
“Not just
nine” ani Panelo sa isang press conference habang kanyang patuloy na binabasa
ang isang briefer na naglalaman ng update tungkol sa mga programa ng Build, Build,
Build
Ilan sa mga
proyektong nasa ilalim ng konstruksyon ay ang LRT 1 Cavite extension,
rehabilitasyon ng MRT 3, subway ng Metro Manila, karaniwang istasyon ng MRT 7,
extension ng LRT 2 East, PNR Tutuban-Malolos, paliparan sa Sangley, rehabilitasyon
ng Naia Terminal 2 at pagpapalawak ng Clark Airport.
Iniulat din
ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpleto ng 9,845
kilometro ng mga kalsada, 2,709 tulay, 4,536 mga control sa baha, 82 evacuation
center at 71,803 silid-aralan.
Dahil dito,
binalikan ni Panelo ang nakaraang administrasyon, na ayon sa kanya ay walang
nakamit na kahit isang proyektong pang-imprastraktura.
Duda din si
Drilon na makakatapos pa ng mga proyekto ang gobyerno sa loob ng isa at kalahating
taon na natitira.
“We only have
two years and a half left in this administration. I don’t think any substantial
progress insofar as that program is concerned will be achieved. I repeat, the
execution is simply dismal,” ayon kay Drilon
Nabanggit din
niya na ang mga proyekto ay dapat na bahagi ng relasyon sa ekonomiya sa pagitan
ng Pilipinas at China, kasama ang Beijing na nagbibigay ng pondo para sa ilan
sa mga ito ay “total failure”.
0 Comments