Nakaka-inspire na kwento ng lola Grab driver, nagtatrabaho para matustusan ang mister at anak na may sakit

photo courtesy of Facebook/Fedtri Yahya


Isang pasahero ang nagpost ng kanyang karanasan tungkol sa nasakyan nyang Grab, laking gulat nya nang malaman nya na isang ‘lola’ pala ang kanyang driver.

Ayon sa  ng kwento ng pasaherong si Fedtri Yahya, tungkol sa Grab driver niyang si Misnah Binti Chuminin.



Sa kabila ng edad ni Misnah, ay nakuha pa daw nitong maghanap buhay, lalo na at pagmamaneho pa ng pampublikong sasakyan.

Kaya naman sinamantala nang usisain ni Fedtri ang dahilan bakit sa kabila ng edad ni Misnah ay naghahanapbuhay pa rin daw ito.

Nagsimula nang magkwento ang lola na Grab driver, dala daw ng matinding pinagdaraanan sa kanilang pamilya kaya pinasok nya ang ganitong hanapbuhay.



Salaysay  pa ni Misnah, may cancer daw ang kanyang asawa at di na ito makapagtrabaho. Kinakailangan din nito ng mga gamot na talaga namang may kamahalan.

Dagdag pa nito, may sakit pa sa pag-iisip ang anak nila kaya naman walang ibang maaasahan ang kanilang pamilya kundi si Misnah lamang.

Ayaw niyang mamalimos, manghingi sa ibang tao at kaawaan na lang ng iba kaya naman nag-isip siya ng paraan upang kumita ng maayos.



Malaki ang pasalamat niya at binigyan pa siya ng pagkakataon ng Grab sa kabila ng kanyang katandaan.

Hindi naman daw sya nahirapan sa kanyang trabaho bilang Grab driver dahil sa maganda daw ang schedule niya rito.

Nakaka-inspire daw talaga ang kwento na ito ni Misnah. Sana raw ay magsilbing aral ito sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay.


Sa kabila ng mga matitinding dagok na dumating sa kanyang buhay, nananatiling kalmado at mahinahon si Minsah. Patuloy lang na lumaban sa hamon ng buhay at may awa ang may kapal.



Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments