Lalaking inakusahan ng pangbabastos sa loob ng e-jeep, balak ding kasuhan ang driver!



Photo courtesy of Youtube/Raffy Tulfo In Action


Mainit pa rin sa social media ang video ng kontrobersyal  na pangyayari na naganap sa isang pampasaherong mini bus o e-jeep sa pagitan ng isang babae na di umano’y hinipuan ng matandang lalaki.

At dahil dito, agad na ikinagalit ng babae ang ginawa ng matanda, na naging bunsod ng sakitan ng dalawa at nauwi pambubgbog at barangayan ng pobreng matanda.



Kinilala ang babaeng sinasabing biktima di umano ng panghihipo na si Dimple Morcillo, 21 years old, at nagta-trabaho bilang elevator attendant.

Samantala, si tatay naman na inakusahang nanghipo ay kinilalang si Alexander Gutal, 53 years old, isang jeepney driver.

Umabot na ang kanilang usapin sa programa ni Idol Raffy Tulfo in Action, na kung saan ay nagkaharap na ang magkabilang panig.



Tanging ang mga anak na lang ni tatay na si Christian Gutal, na sya ring nag-upload ng video, ang humarap sa programa ni Idol Raffy Tulfo.

Nung una ay todo depensa pa ang paliwanag ni Dimple sa pangyayari, mariin nyang sinabi na sya ay biktima. Ngunit hindi maikakaila sa kuha ng CCTV ang buong pangyayari.

Sa muli nilang pagtatagpo sa programa ni Sir Raffy Tulfo, kasama nang nakaharap si tatay sa kabila nang iniindang sakit dulot ng pambubugbog  sa kanya.



At dahil sa patong-patong na kaso kakaharapin ni Dimple at Gayundin sa ama at kapatid nitong sumugod pa sa barangay na walang awang nambugbog kay tatay Alex.

Todo hingi nang paumanhin at lumuhod pa si Dimple kasama ang kanyang ina kay tatay Alex at mga anak nito. Nakikiusap na iatras na ang kaso laban sa kanila kesyo sya daw ay single mother at may baby pa daw sya na ilang buwan pa lamang.

Sa huling kaganapan ng kaso, nanindigan si tatay Alex na  itutuloy nya ang kaso sa mga nanakit sa kanya.  Maraming netizen din ang naka-abang sa kahihinatnan ng kaso.



Maraming netizens din ang nakapansin sa kuha ng CCTV sa buong pangyayari, lumalabas na damay na rin ang driver at konduktor ng e-jeep sa nasabing insidente.

Muling inilabas sa publiko ang video na kuha sa loob ng e-jeep kung saan meron na itong kasamang audio. Napansin ng mga netizens na nagsalita ng "sige, tirahin mo na!" ang driver na nakilalang si Jowel Espiritu.

Makikita rin ang pagkasabi ng driver, at tila nagkalakas ng loob ang babae na sugurin si Mang Alex na siyang naging simula ng argumento at pananakit kay tatay Alex.



Ayon sa driver ng e-jeep, nadala lamang siya sa pag-aakalang totoo nga ang insidente ng panghihipo.

Hindi naman kumbinsigdo si tatay Alexander na di na siya idamay pa sa kaso lalo na at may ebidensya na ito ang nag-udyok sa babae na saktan ang matanda.

Lumalabas din sa isang anggulo ng pangyayari, sinasabing nagpaakyat pa ng mga lalaki ang driver upang tuluyan na ngang saktan ang kawawang si tatay Alex.



Humingi rin ng tawad ang driver kay tatay Alex ngunit masama ang loob nito sa ginawa ng driver kaya naman buo ang pasya ni Tatay Alez na isasama sya sa mga sasampahan ng kaso.

Panoorin ang kabuuan ng paghaharap ni tatay Alex at ang driver at kunduktor ng e-jeep:





Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments