Kaibigang nangutang, bigla na lang ‘di nagparamdam nang magkakulitan na sa utang na inabot ng taon


Screen-capped image from Facebook




Mabilis na nagviral sa social media ang kwento ng pagkakaibigan na nasira dahil lamang sa utang.

Ayon sa  ikwinento ng uploader na kinilalang si Poleng Molon,  ang kanyang naging karanasan nang mangutang sa kanya ang kanyang kaibigan.



Sa Facebook post ni Poleng, grabe daw ang pangungulit sa kanya  ng kaibigan niya noong nanghihiram ito ng pera.

“Paki Rating Naman Sa Kanya Sana Kung Gaano ka kulit Na Ngutang Ganon Ka din Sa Pag Babayad Hirap Mo Pa Naman Umintindi Na Nakiki Suyo Lang Ako Sa Pinas Kse Wala Yung 
Katawan ko Dyan Di Kinaya Ng 30 Photos Be Yung Pangungulit Mo Oh tapos After Mo maka Utang Wala Ka Ng Pa Ramdam Ni Ha Ni Ho Hello Wala,” sabi ni Poleng.

Dagdag pa ni Poleng, naiintindihan daw niya ang sitwasyon ng kaibigan niya na lumayas sa pamilya, iniwan ang anak, at hiwalay sa asawa.  Mahirap man ang kalagayan ng kanyang kaibigan.



Nakalipas na ang isang taon at hindi pa rin daw nagbabayad ng utang ang kaibigan nyang ito, kahit makailang beses na niyang siningil.

At nakuha pa daw nitong in-unfriend si Poleng sa Facebook, para lamang hindi na nya ma-contact ang nasabing user-friendly na kaibigan.

“Gulat ako be UNFRIEND mo na Ko kaya nag chat ako sayo be mo na hack account mo bakit Di ka nag Friend Request ule saken,” sabi niya.

“Be sobrang Haba ng pasensya binigay Ko sayo Puro pasensya pa nga sa chat Ko dba,” dagdag pa nito.



Maging ang mga netizens ay gigil din sa nangyari kaya naman dinagsa ng komento ng mga netizen ang kanyang post.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Napaka kulit mangutang at parang nagmamadali pa. Yung sisingilin muna dame dahilan. Dapat tag mu asawa nya at mga kamag anak nya hahaha”



“Kakaiya k nmn s halagang 3k lng indi mopa nbayaran gurl liit ng halaga.oh ayan ang kpalit mokha mo”

“napaka demanding nung nangungutang tapos nung bayaran na puro na dahilan. iba den e ,kaya 
minsan ang hirap talaga magpahiram lalo kapag ganyan”

“Yung sila na makapal manghiram .. tapus sila parin makapal hindi magbayad.”



3k umabot halos isang taon grabe naman yan.”





Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments