Inang kunduktora ng bus, labis ang sakripisyo para maitaguyod ang pamilya, may UP grduate na!



 
Nanay Eunice/photo courtesy of  Facebook

Isang nakaka-inspire na kwento ang ibinahagi ng isang kunduktora ng bus kung papaano nya naitaguyod ang mga anak.

Ayon sa salaysay ni nanay Eunice, sya ay nagsimulang magtrabaho bilang kunduktora ng bus mula pa lamang sya ay 19 years old pa lamang.



Dito na rin sya nagka-asawa at hanggang sa nagkaroon sila ng pitong anak. Walang trabaho ang kanyang mister, kaya naman ito ang nagsilbing taga pag-alaga ng kanilang mga anak.

Kwento pa ni nanay Eunice, napagtapos na nya ang kanyang panganay na anak sa University of the Philippines sa Diliman.

Sobrang kagalakan ang naramdaman ni nanay Eunice, dahil di lamang basta naka-graduate sa UP Diliman ang panganay, sa kursong Bachelor of Arts major in History.



Ayon sa video na pinost ng TV at radio anchor na si Julius Babao, nabigyan din ng latin honors ang panganay ni Eunice nang grumaduate ito.

“Para akong nanalo sa lotto kahit na wala akong pera. Ang mahalaga, si Raymond, nakatapos,” masayang pahayag ni nanay Eunice.

Sa tagal na ni nanay Eunic sa pagiging isang kundoktor, ibinahagi rin niya ang mga kapahamakan na dulot ng kanyang trabaho.



Ayon kay nanay Eunice, ilang beses na umano sila nabiktima ng mga masasamang elemento sa kanilang pamamasada sa bus. Mabuti na lang ay ligtas pa rin sila sa awa at tulong ng Dios.

“Nagpasalamat ako. Sabi ko, ‘Lord, salamat naman, pinakinggan mo ang dasal ko,’ kasi delikado, sir. Baka may mamatay sa amin o ano,” sambit pa ni nanay Eunice.

Nagbigay din ng payo si nanay Eunice sa mga kapwa nya magulang upang maging matagumpay ang pamilya.



Kahit na highschool lang ang tinapos ng inang kundoktora, importante para sa kanya na mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak niya.

“Magsikap sila. Mag-aral silang mabuti. Kung maaari lang, ‘wag munang magbabarkada. I-focus muna nila ang pag-aaral,” sabi ni nanay Eunice.


“Kasi sabi ko sa kanila, ‘‘Pag may pinag-aralan kayo, may kinabukasan kayo. ‘Yung pinag-aralan niyo ‘yung ‘di kaya nakawin,” dagdag pa nito.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments