Gretchen Barretto, matapang na nagpaliwanag ukol sa mga viral photos kasama si Atong Ang


Gretchen Barretto/photo courtesy of When In Manila and Yahoo news ph



Usap-usap pa rin hanggang ngayon sa social media ang mga sigalot na kinasasangkutan ng mga Barretto, at lalo pang tumitindi ang mga batuhan ng mga akusasyon at paninira sa isa’t-isa ng magkakapatid.

Isa na dito ang bagong kumakalat na mga litrato ng aktres na si Gretchen Barretto kasama ang businessman na si Atong Ang.



Ayon sa KAMI, matapang na nagkomento si Gretchen ukol sa mga litrato nila nang sinasabing nobyo na si Atong.

Sa Instagram stories na post ni Gretchen, muli niyang shinare ang picture kung saan makikitang magkatabi silang natutulog ni Atong sa loob ng eroplano.

Sabi ni Gretchen, “Unaware I crossed s bit over a bit much. ... This photo was sent through direct message ... It is clear I was asleep on a plane ride."



Nagpaliwanag rin si Gretchen sa iba pang mga litrato nila ni Atong sa airport at sa loob ng eroplano habang magka-holding hands din.

Sa kanyang paliwanag, nagbitaw din ng matinding akusasyon si Gretchen sa kanyang kapatid na si Marjorie Barretto.

“Nothing wrong with these photos. Fully clothed, no naked photos like of Marjorie itchie-very," ani Gretchen.



Naging viral sa social media ang nasabing litrato nila ni Atong matapos ang naging exclusive interview ni Marjorie sa TV Patrol kamakailan.

Sa mga naunang mga reports ng KAMI binunyag ni Nicole Barretto, inagaw umano ng kanyang tita na si Gretchen ang kanyang nobyo na si Atong.

Kinumpirma rin ni Marjorie sa kanyang interview na totoong may relasyon si Nicole at si Atong sa loob ng limang taon.

Ang rebelasyong ito nina Nicole at Marjorie ukol sa paggiging magnobyo umano ni Nicole at Atong ay pinabulaanan ni Gretchen at Atong Ang.

Si Gretchen Barretto ay isang beteranang aktres mula pa noong 80s. Siya rin ang long-time partner ng business Tycoon na si Tonyboy Cojuangco at may anak sila na si Dominique. Kilala rin si Gretchen bilang kapatid ng mga celebrities na sina Claudine at Marjorie Barretto.








Source: KAMI



Post a Comment

0 Comments