Baron Geisler, pinatay na ang character sa ‘Ang Probinsyano’: 'Ako ang pinakasuwerteng villain'



Ang huling eksena ni Bungo sa "Ang Probinsyano / compiled photo from ABS CBN and Balita


Marahil ay isa ka sa asar na asar sa karakter ni Baron Geisler sa “Ang Probinsyano” bilang si bungo, na sa wakas ay napatay na ni Cardo Dalisay, na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Nito lamang martes ng gabi namatay si Bungo matapos matugis ni Dalisay at ng Task Force Aguila.



Samantala lubos naman ang pasasalamat ni Baron sa kanyang naging parte sa sikat na serye ng Kapamilya network na tumagal na ng higit apat na taon.

Sa video na lumabas online, ibinahagi ni Baron ang kanyang mensahe para sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanya bilang kontrabidang karakter na si Bungo.

"Pakiramdam ko, ako ang pinakasuwerteng villain sa 'FPJ's Ang Probinsyano,'" Ayon kay Baron.



"Malungkot, bittersweet actually kasi unang-una, napamahal ako sa character na si Bungo. 
Napamahal ako sa stuntmen, sa mga goon na sumuporta sa akin kasi kung wala sila ay hindi magiging ganuon kaangas si Bungo. May gains and may pains. 'Yung gain, I gained a lot of knowledge in terms of working with best," aniya.

Humanga naman ang mga netizens sa sobrang intense ng eksena nitong Martes at marami ang humanga kay Baron. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Top 3 best villains in FPJ ang probinsyano: Dante alias bungo , Joaquin , Homer Alakdan”

“The battle of the century. We will miss you sir Baron a.k.a Bungo. Sana makita ka namin sa iba pang project sa TV o Cinema.”


“Pero sana mas marami pang projects si Baron after this.”


Source: KAMI, ABS CBN

Post a Comment

0 Comments