Aroganteng traffic enforcer, nanapak ng motoristang nag-aayos ng flat na gulong, sapul sa video!

Photo courtesy of Facebook




Mabilis na kumalat sa social media ang aktwal na pagmumura at pananakit ng isang traffic enforcer sa isang motoristang na-flatan ng gulong.

Ibinahagi ng netizen na si Zaldy Eugenio, ang video kung saan na naganap bandang ika-siyam ng umaga (9:00a.m.) sa Scout Chuatoco, sa likod lang ng Amoranto stadium.



Sa salaysay ni Zaldy, sya mismo ang nasabing biktima ng mga abusadong traffic enforcers, na noo’y nag-aayos ng na-flat ng gulong ng kanyang sasakyan.

Napadaan ang mga nasabing mga enforcer, at lumapit sa kanya ang mga traffic enforcers at tinanong kung gaano nya raw ito maaayos.

Agad naman daw sumagot ang motorista at sinabing mga 15 hanggang 30 minutos.



Ayon sa enforcer, may daraan daw kasi na 'VIP' kaya kailangang matapos na ang pagpapalit nya ng gulong sa loob ng 15 minutos. Kung hindi, bibigyan sya ng traffic violation at mare-wrecker pa raw ang sasakyan nito.

Giit ni Zaldy sa enforcer, mukhang hindi daw kakayaning matapos ang pagpapalit ng gulong sa loob ng 15 minutos.

Nasabi na lamang ni Zaldy sa enforcer na  "kung gusto niyo tulungan nyo nalang ako dito para mapabilis."



Hindi raw nagustuhan ng enforcer ang nasabing nyang mga salita at tila minasama pa ito. Doon na daw nagsimula  siyang murahin nito.

Agad syang pinalibutan ng iba pang kasama ng traffic enforcer, kaya naisipan na niyang kunin ang kanyang cellphone, at kuhaan sila ng video.

Sapul sa video ang pagtilapon ng cellphone dahil sa pananapak ng enforcer. Nakilala ang enforcer na di umano'y umatake kay Zaldy na si Danilo Dr. Usi.




Sa kabila ng pangyayari, binigyan pa din siya ng ticket para sa violation niyang obstruction.



Dahil sa pagkalat ng nasabing video, na umabot na sa 2 million views. Hindi na naiwasang maglabas ng saloobin ng mga netizen sa kanilang nakita sa video.

Karamihan ng mga netizens ay nagsasabing di makatarungan ang ginawa ng mga enforcers na nararapat lamang daw na bigyan ito ng leksyon.

Nagbigay ng kani-kaniyang saloobin ang mga netizens, narito ang kanilang mga saloobin:

"Valid reason naman bakit nakaharang siya. tulungan nio di yung manununtok pa kayo."



"Pag naflat tire ka ngayon ay parang nakagawa kang krimen, pinalibotan ng enforcer, wala man lang nag volunteer na tulongan yung tao, sinapak pa."

"Justice po sa ginawa ng mga Tao itu."

"May dahilan naman kaya naka hinto sasakyan,ang tapang mo kasi madami ka kasama imbes na i assist nyo susuntukin mo pa,kahit may dumaan vip hindi nmn ginusto nung tao masiraan sa daan"

"May nka lagay na xa na warning sign dpat ginagwa nila inaalalayan ung nasiraan sila pa matatapang..kahit nmn VIP dadaan jan maiintindihan yang sitwasyon ng na flatan..i report po ninyo mga abusado na masydo."

"Tanggalin na sa serbisyo mga yan masama na ba ma platan ngaun sino ba gsto ma plat ang sasakyan at makaabala sa daan dapat mg asisst cĺa at tumulong"

"Lagot ka tanggal ka trabaho nyan,imbes na tumulong ka sa nagpapasweldo sa yo nag mayabang kapa.kalamo presidente kung makaasta."



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments