Paring gumagamit ng 'water gun' pambasbas sa mga deboto, humakot ng batikos sa netizens



compiled photo from Buzzfeed news (ctto)



Naging viral sa social media ang larawan ng isang pari sa kakaibang pamamaraan nya nang pagbababasbas sa loob ng simbahan

Bukod pa dito, makikita sa kanyang suot na sutana habang nasa misa ay may mga larawan ng mga sikat na superheroes gaya nina superman, batman at spiderman.



Isang pari mula sa Mexico ang may kakaibang pakulo sa pagbabasbas. Marami ang nagulat dahil gumagamit ito ng water gun pambasbas ng holy water sa mga nagsisimba, taliwas sa tradisyon na ginagamit sa misa.

Ayon sa pari na kinilalang si Father Humberto Alvarez, nais lamang niyang makahikayat ng maraming maninimba lalung-lalo na ang mga kabataan. Ngunit humakot pa rin ito ng mga kritisismo dahil sa kanyang kakaibang istilo.

Naging katatawanan tuloy sa marami ang ginawa ng pari at umani ng batikos mula sa kanyang mga deboto.



Ayon naman sa panayam ng Buzzfeed News kay father Alvarez, nais lamang niyang magpasaya sa mga nagsisimba at upang mahikayat pa ang mga ito lalo na ang mga kabataan.

Dagdag pa ng pari, may mga superheroes design tulad nina superman, batman at spiderman ang kanyang sutana,


Paliwang ni father, nilagay nya ang mga larawan ng mga superheroes sa kanyang sutana, dahil sa kanilang patuloy na pakikipaglaban upang matalo ang takot at makamit ang kapayaan at pagpapatawad.



Narito ang ilan sa mga maaanghang na komento ng mga netizens:

"Pinayagan kaya siya ng Santo Papa na gawin yan?"

"Hala, pa anman niyang ni-level ang Diyos sa mga superhero"

"Acceptable pa yung water gun pero yung damit niya na may superhero, foul!"

"Pari ba talaga to? sablay na po e"



"Ano to? show? father naman imbis na sumimba ako e kakawalang gana"




Source: KAMI


Post a Comment

0 Comments