Na Tulfo na! Mag-kasintahang nanakit ng Grab driver sa viral video, 'di pinalagpas ni idol Raffy

Photo Courtesy: compile picture from raffy tulfo in action


Nakarating na rin sa wakas sa Raffy Tulfo in Action ang viral video ng isang Grab Driver na sinaktan ng magkasintahan kamakailan lang, kaya naman di maiwasan ni idol Raffy na uminit ang ulo.  

Nagbigay rin ng update ang programa na nasampahan na ng kaso ang dalawa at naaresto na rin.



Kinilala ang dalawang nanakit na sina Jan Jervie Mercado at ang nobya nito na si Rhea Sangil, na parehong kinasuhan ng serious physical injury ni Tugade.

Sa nag viral na video, makikita ang isang lalaking galit na galit at sinusugod ang Grab driver na kalmado namang nagpapaliwanag sa mga suspek. Nagpipilit kasi ang suspek na si Mercado na hindi kasama sa agkop na bilang ng pasahero ang bata.

Pinaliwanag naman ng Grab na sinusunod lamang ng driver ang rules ng LTFRB kung saan may angkop na bilang lamang ang pasahero.



Sinuntok din ang biktima at tinabig ang kanyang cellphone ng dalawang babaeng kasama ni 
Mercado. Makikitang may dent din ang sasakyan ng kawawang driver.

Maari rin umanong maharap si Mercado sa kaso ng kasong malicious mischief.

Ayon kay idol Raffy, nararapat lang na dagdagan pa ang kaso ng dalawa hanggang maari.

Nais din ni Raffy na kasuhan pa ng child abuse si Mercado dahil nakikita ng batang pamangkin nito na nasa background.


Sasamahan din umano ni idol si Tugade sa himpilan ng QCPD para siguraduhing masasampahan ng patong-patong na kaso ang mga suspek.






Post a Comment

0 Comments