Lumabag sa curfew! Pagwasak ng karaoke ng barangay, ikinagalit ng mga netizens


Composite photo from Barangay Mambugan's post



Viral ngayon ang isang social media post kung saan winasak ng isang barangay ang karaoke na lumabag sa curfew.

“Mga ka barangay Matagal na po inuumpisahan ang batas sa karaoke na hangang 10pm lang po.ito po ay isang example ng di tumutupad sa atin batas. ito din ay pinag simula ng ayaw sa kanilang lugar.” Ayon sa post ng Barangay Mambugan nitong Linggo.



Makikita sa larawang naka post na tila winasak ng barangay ang karaoke.

Ngunit marami sa mga netizens ang hindi natuwa sa naging aksyon ng naturang barangay. Ayon sa iba, dapat daw ay kinumpiska lamang ito at hindi sinira.

Narito ang ilan sa mga komento sa naturang post:

 “Hindi sapat na dahilan para sirain ang videoke. pagmultahin nyo nag renta. itago nalang yan. magagamit yan sa ibang pagkakataon. my mga lugar na barangay na nag papahiram ng videoke. sana nag kawang gawa nalang kayo ibigay sa ibang barangay malapit sa inyo.”



 “Private property yan. Hindi dapat yan basta basta sinisira. Mabuti kung sa barangay inarkila yan. Kung meron dapat parusahan sa ganyan ay tung mga umarkila na hindi sumusunod ng ganggang 10pm lang, hindi yung videoke ang pagdidiskitahan! Imberyna. Utak papel nakaisip nyan!!”

“Ilagay sa tama bawal yan manira ng gamit dpat kinumpiska nyo nlng.. Prang ipinagmamalaki nyo pa yung mga kuha nyo dto sa netizen.. Sana mging mgandang halimbawa kau sa kapwa tao.”

“No need naman sirain nang ganyan yung videoke. Napaka-senseless ng ginawa nyong aksyon.
why not just confiscate? that's enough punishment.”



Makikita din sa comment section na nagpaliwanag ang naturang barangay kung bakit ganito na ang kanilang ginawa.

“tatlong beses mahigit pinuntahan po yan sa sobrang ingay.nag cause po yan ng gulo sa sitio yan kaya kinumpiska.at wala pong balak itambak yan sa barangay namin dahil baka mapag sabihan pa na pinag interesan.salamat po paliwanag ng barangay


“Wag kayong maawa sa may ari.at gumagamit.alam nila ang ordinansa.maawa kayo sa kapitbahay na kinabukasan ay may pasok...yun lang pag wala kang ginawang aksyon...mali...pag may ginawa kang tama.. mali pa rin..kayo na magpatupad...alam nyo ba simula nito..salamat po.Sagot pa nito sa isang nag comment







Post a Comment

0 Comments