Dating OFW, niregaluhan ng bahay ng kanyang Syrian na amo dahil sa sipag at dediksyon nito sa trabaho


photo from The Hungry Syrian Wanderer youtube channel (ctto)



Hindi makapaniwala ang isang Pinay sa napakagandang biyayang natanggap nito mula sa kanyang napakabait na among Syrian. Dahil isang bonggang regalo nito sa kanyang kaarawan.

Mag-aanim na buwan pa lamang na naninilbihan ito sa kanyang negosyo at nakita ng Syrian ang pagsusumikap at malasakit ng pinay na empleyado.



Marami tuloy ang nakaramdam ng inggit kay Angel, isang dating OFW sa Kuwait, dahil sa regalong kanyang natanggap mula sa among Syrian national.

Isang vlogger ang nasabing Syrian na may Youtube name na The Hungry Syrian Wanderer, sa kanyang Youtube channel, ibinahagi niya kung paano sinurpresa ang loyal at masipag na si Angel.   



Kinasabwat pa nito ang iba pa niyang kasamahan, at kanilang pinaghandaan ang kaarawan ni Angel.

Bukod sa supresang ginawa ng amo ni Angel, pinaka-espesyal sa lahat ay ang regalong bahay ng amo sa kanya. Di makapaniwala sa mga nangyayari, maluha-luha si Angel sa kanyang natanggap.

Ayon pa sa amo ni Angel, mas minabuti niyang ibigay ang bahay kay Angel dahil mas kinakailangan niya ito.



Sa kasalukuyan, nangungupahan pa rin ang among Syrian, ngunit di raw ito alintana sa kanya dahil mahal niya ang Pilipinas at nais niya talagang manatili rito.

Dahil alam ng kanyang amo na dating OFW si Angel sa loob ng dalawang taon, ayaw na niyang umalis pa muli ito upang magtrabaho sa ibang bansa.

Bukod sa regalong bahay, balak din ng amo na bigyan si Angel ng mga kagamitan sa bahay upang makumpleto na ang pangarap ng dating OFW.

Tunay na ang kabutihan ng isang tao ay masusuklian din ng umaapaw na kabutihan. Gaya na lamang ng pinakitang dedikasyon sa trabaho ni Angel na nagantimpalaan naman ng kanyang amo na may ginintuang puso.



Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments